Biyernes, Hunyo 5, 2020

June 5, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Ang ating pananampalataya kay Jesus bilang “Kristo ng Diyos” ang siyang nagtitipon sa atin bilang miyembro ng komunidad na ito. Sa kanyang pangalan dalhin natin sa Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng aming Panginoong Jesus, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng katotohanan at pagka-Diyos ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasunduan nawa’y maging isang katotohanan lalo na sa mga bansang ang mga tao’y nagdurusa sa diskriminasyon dahil sa lahi, kasarian, uri, at relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y humimlay sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ni Jesu-Kristo, kinikilala namin na ikaw lang ang aming Panginoon. Lagi mo kaming bantayan at ipagkaloob mo ang aming ipinapanalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez June 2, 2020 at 11:53 pm

Pagninilay: Isa sa mga kilalang titulo na ibigay sa ating Panginoong Hesukristo ay ang “Anak ni David”. Matagal nang ipinapahayag ng mga propeta ang orakulo ng pagdating ng Mesiyas ng Diyos. At ito’y natupad sa katauhan ng ating Panginoong Hesukristo. Subalit nakita natin ang pag-aalinlangan ng mga pinuno ng Judaismo tungkol sa kanyang pagkatao. Ang tingin nila sa Panginoon ay isang simpleng karpintero lamang, na wala raw pag-asa na maging Tagapagligtas. Kaya makikita natin hanggang ngayon, naghahanap pa rin ng Mesiyas ang mga Hudyo. Subalit narinig natin kay Hesus ang pahayag ng Salmo sa pagluklok ng Diyos kay Haring David, na mayroon pang iluluklok ang Panginoong Diyos sa Panginoon ni David sa kanan ng trono. At ang pahayag na ito ay isinakatuparan sa pagdating ni Hesus sa sanlibutan. Kaya maraming namangha sa kanyang mga salita at sa mga kababalaghang ginawa niya, at iilan sa kanila ay naniniwala na siya nga ang ipinangakong Mesiyas ng Diyos. Ang salitang “Mesiyas” ay katumbas ng “Kristo”, na kapwang nangangahulugang “hinirang”. At alam natin ang pangalang “Hesus” ay ang nangangahulugang “Ang Diyos ang nagliligtas”. Kaya pala sumasampalataya tayo sa ating Panginoong Hesukristo bilang Panginoong hinirang ng Diyos upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan. At kahit sinong larawan ng Lumang Tipan ay siguradong naniniwala na si Hesus ay ang Anak ng Diyos at ating Tagapamagitan patungo sa Diyos na ito na tinatawag nating “Ama”. Ang hamon sa atin ngayon ay ang lubos na pagtanggap sa kanya, at hayaan natin ang kanyang kaharian ay lumago at lumaganap sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga aral at turo at pagsunod sa kanyang mabuting huwaran.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: