Podcast: Download (Duration: 9:16 — 6.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Sa pag-alaala natin kung papaano nakilala ng mga alagad si Jesus sa paghahati-hati ng tinapay sa daan patungong Emmaus, manalangin tayo sa Diyos Ama upang magkaroon tayo ng higit na malalim na pagpapahalaga sa Muling Nabuhay na Kristo bilang ating pagkaing espiritwal para sa ating paglalakbay sa buhay.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw.
Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y mabisang ipahayag ang mensahe ng pag-asa sa pamamagitan ng kanilang buhay na banal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y makapaghatid ng pag-asa at ginhawa sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang lubos na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang maunawaan kung bakit kailangang magpakasakit ni Kristo at muling mabuhay mula sa mga patay sa ikatlong araw, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y pagalingan at palakasin sa kanilang pagtanggap sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng kaganapan ng buhay sa piling ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pagkalooban mo kami ng malalim na pananampalatayang nararapat upang makilala namin ang iyong Anak sa lahat ng mga pagkakataon sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Mga Pagbasa – Martes, Abril 14, 2020
Mga Pagbasa – Huwebes, Abril 16, 2020 »
{ 7 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Patuloy tayong nagagalak sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. At ang kagalakang iyon ay isang patunay na si Hesus ay palaging kapiling natin. Ito ang nangyari sa ating Ebanghelyo nang nakasabay ng 2 tagasunod ni Hesus ang isang estranghero. Sila’y naglalakad papunta sa nayon ng Emaus, na may distansyang 7 milya (11 kilometro) mula Jerusalem. Hindi nila nabatid na ang kasama nila ay si Hesus dahil hindi nila namumukhaan ang tao. Sila’y paalis ng Jerusalem dahil sa lungkot ng damdamin at pagkabigo ng kanilang mga inaasahan tungkol sa Mesiyas. Katulad ng marami sa mga alagad ni Kristo, noong una sila’y naniniwala na ang Mesiyas ang lulupig sa mga mapuwersang hakbang ng mga Romano. Dito’y pinaunawa ng estrangherong kasama nila na ang Kristo ay naparito upang magdusa para sa kasalanan ng tao at luwalhatiin para sa kaloob ng panibagong buhay. At isinalaysay nga niya sa 2 alagad isinulat ng Kasulatan tungkol kay Kristo hanggang sumapit ang takipsilim. Kaya inaanyayahan ang lalaki ng 2 na manatili sa kanilang tahanan. At nang gabing iyon, kinuha ni Hesus ang tinapay, pinaghahati iyon, at ibinigay kina Clopas at ang kasamahan nito. Nang masaksihan nila ang pangyayaring ito, namulat ang kanilang mga mata at isipan nang sa huli’y nakilala na nila kung sino ang lalaking kasama nila. At bago pa man sila magsalita, biglang nawala si Hesus sa kanilang piling. Subalit ang mahalaga ay yung pag-alab ng kanilang mga puso dahil sa pagpapaliwanag ni Kristo tungkol sa kanya, na ayon kina Moises at ng mga propeta sa Banal na Kasulatan. At nang hatiin niya ang tinapay sa harapan nila, dito nila’y naunaawaan ang plano ng Diyos para sa sangkatauhan. Dito makikita natin sa kwentong ito ang isang pagtatagpo sa Panginoong Muling Nabuhay sa pamamagitan ng pag-uunawa ng kaisipan at pag-aalab ng puso. Itong karanasan ng 2 alagad sa Emaus ay ang ating karanasan din tuwing tayo’y nagdiriwang ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Dalawang bahagi ang Misa: ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos [Liturgy of the Word] at ang Pagdiriwang ng Huling Hapunan [Liturgy of the Eucharist]. Katulad ng 2 alagad, si Hesus ay kapiling natin at nais tayong mabusog sa pamamagitan ng kanyang Salita at ng kanyang Katawan. Ito yung “sacramental presence” na kung malugod natin siyang tatanggapin sa bawat Eukaristiya, tayo ay makakamit balang araw ng buhay na walang hanggan. At ito’y mangyayari kung makabuluhan ang ating pagtatagpo sa kanya. Bawat karanasan natin sa Muling Nabuhay na Panginoon ay isang panawagang maging mga mabubuting saksi niya. Katulad nina San Pedro at San Juan sa Unang Pagbasa na nagpagaling ng isang pilay na tao sa Templo, nawa sa ating pagdadala ng Diyos sa iba ay maging isang magandang pagkakataon upang tayo ay maging maawain at mabuti tungo sa kanilang mga pangangailangan, maging ito man ay pisikal, espirituwal, mental o emosyonal. Nawa’y ipagdiwang natin ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagiging “Eucharistic” tungo sa ibang tao: pinagpala, pinaghati-hati, at pinagbabahagian.
Pinupuri at pinasasalamatan ka namin , Oh Panginoong Diyos . Amen.
Pinupuri ka namin, Panginoong HesuKristo!
Salamat sa Diyos! Amen! Aleluya!
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo nazareno
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA!
Salamat sa Diyos!