Podcast: Download (Duration: 6:27 — 4.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Sa ating paglalakbay sa buhay, idalangin natin na pagkalooban tayo ng tapang na magsalita at magsikap para sa katotohanan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin mo kami sa iyong katotohanan.
Ang mga kasapi ng Simbahan nawa’y magsikap na palaganapin ang Mabuting Balita ni Jesus sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamgitan ng pagninilay sa pagpapaksakit ni Jesus sa krus, ang mga taong hindi sumasampalataya nawa’y manampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga dukha nawa’y maranasan ang nagpapagaling at mapagmahal na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan ng kanilang tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit,
isinugo mo ang iyong Anak upang magpakasakit para sa amin. Loobin mo na sa pamamagitan ng aming pananampalataya sa kanya, malabanan namin ang kawalan ng pananampalataya sa aming sarili at sa mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.
Pages: 1 2
« Mga Pagbasa – Huwebes, Marso 26, 2020
Mga Pagbasa – Sabado, Marso 28, 2020 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Panginoon at Diyos ko, Pinupuri at pinasasalamatan ka namin. Amen.
I’m so very thankful dahil merong ganitong website na may daily readings in tagalog. Keep it up po and keep safe everyone.
God bless us!
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo nazareno
Salamat sa Diyos!