Mga Pagbasa – Biyernes, Marso 20, 2020

March 20, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo sa Diyos Ama na pukawin ng kanyang pag-ibig ang lahat at ang kanyang pag-ibig ay matatak sa ating pakikitungo sa bawat tao.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Diyos, palaguin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi kailanman tumigil sa pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa bilang puso ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang huwag kaligtaan kailanman ang magpadama ng habag sa mga kapuspalad, sa mga walang nagmamahal at mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pakitunguhan ang bawat tao nang may kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at matatanda nawa’y magkaroon tayo ng higit na habag sa pamamagitan ng banayad na pagpukaw ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating yumaong mga mahal sa buhay, nawa’y ihatid ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos,
tulungan mo kaming ibigin ka at ang aming kapwa nang walang hanggang katulad ng ginagawa mo. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.

Pages: 1 2

{ 1 comment… read it below or add one }

Barbara Silvia L. Manalo March 20, 2020 at 6:31 am

O Panginoon at Diyos ko , Ikaw lamang ang makapangyarihan sa lahat huwag mo po kaming pabayaan sa mga nangyayari dito sa boong mundo, iligtas mo po kami palagi at iadya mo po kami sa lahat ng masama. Kaming mga anak mo ay humihingi ng iyong tulong at pagpapala para nalampasan namin ang kumakalat na virus na ito ngayon sa lahat ng lugar dito sa mundo. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: