Mga Pagbasa – Lunes, Marso 16, 2020

March 16, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Si Jesus ay hindi tinanggap sa kanyang sariling bayan. May pananampalatayang tinatanggap natin siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas at nananalangin tayo sa ngalan niya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan mo kaming magmahal nang tulad ni Jesus.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpahayag ng Salita ng Diyos nang may tapang at isabuhay ito nang may paninindigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang na Kristiyano nawa’y maging malakas upang makasunod kay Kristo, na siyang Daan, at ang Katotohanan, at ang Buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pagpapakasakit ngayong Kuwaresma nawa’y gawin nating higit na bukas sa mapanligtas na pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit na nahihirapan sa kanilang kalagayan nawa’y makita ang presensya ng Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pangangalaga at malasakit ng kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na nasa piling ng Diyos nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan,
sapagkat wala sa aming lumalapit kay Jesus kung hindi mo kami akayin sa kanya, gawin mo kaming lahat na kaisa niya upang kami ay makasama mo ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen.

Pages: 1 2

{ 2 comments… read them below or add one }

Barbara Silvia L. Manalo March 16, 2020 at 6:49 am

Pinupuri at pinasasalamatan ka namin , Panginoong ko at Diyos ko. AMEN

Reply

ofrin mila March 16, 2020 at 1:36 pm

Pinupuri ka namin panginoon proteksyunan nyo po kaming lahat na mga anak mo sa lahat ng nangyayari sa mundong ito …panginoon gabayan nyo po kami sa lahat… huwag nyo po kaming pababayaan .Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: