Mga Pagbasa – Sabado, Marso 14, 2020

March 14, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Ang Talinhaga ng Waldas na Anak ay nagpapahayag sa isang payak subalit malalim na paraan ng katotohanan ng pagbabagong-loob–ang nagagawa ng pag-ibig at habag sa ating mundo. Pinakikilos tayo nito upang agad na lumapit sa Ama sa panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ibaling mo ang aming mga puso sa iyo.

Sa paggabay ng Santo Papa at ng mga obispo, tuwina ay malugod na tanggapin nawa ng ating kaparian ang mga nagsisisi at naghahangad na makipagkasundo sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng waldas na ama nawa’y maging bukas-palad tayo sa pagpapatawad sa mga nakasakit o bumigo sa amin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasapi ng pamilya na may alitan sa isa’t isa nawa’y mas piliin ang magpatawad at makipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga makasalanan nawa’y mapukaw ang loob na magsisi at hingin ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa Sakramento ng Kumpisal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makarating sa kanialng walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na makapangyarihan, malugod mo nawang tanggapin ang mga panalangin ng mga makasalanang matapat na nagbabalik sa iyong pag-ibig at habag na hindi nagmamaliw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

Pages: 1 2

{ 3 comments… read them below or add one }

Dez March 11, 2020 at 6:53 am

Mali po ung nilalaman ng mga readings.
Di po sya ayon sa nakalagay sa taas

Reply

Barbara Silvia L. Manalo March 14, 2020 at 5:58 am

Pinupuri at pinasasalamatan ka namin Panginoon ko at Diyos ko . AMEN

Reply

Flordeliza Cruz March 14, 2020 at 11:10 am

May konti lang pong pagkakamali sa Mabuting Balita. Pwede pa po bang maitama iyon?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: