Mga Pagbasa – Biyernes, Marso 13, 2020

March 13, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Habang pinagninilayan ang babala sa Ebanghelyo tungkol sa pangangailangang mamunga, ihain natin ang ating mga kahilingan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ubasan, pagpalain mo ang aming mga buhay.

Ang Santo Papa nawa’y makatanggap ng liwanag, lakas, at tulong sa kanyang pag-akay sa Simbahan sa mga panahong ito ng kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga isipan nawa’y mapuspos ng kapayapaan ng Diyos na naghahatid ng walang hanggang kagalakan at walang katapusang kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga sariling buhay nawa’y makapagbigay tayo ng bunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y hindi panghinaan ng loob sa gitna ng kanilang dinaranas na mga pagsubok at sa halip ay palakasin ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng kanialng walang hanggang kapahingahan sa iyong Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo para sa iyong tapat na pag-ibig. Tulungan mo kaming mapaglingkuran ka nang buong-puso at mamuhay nang karapat-dapat sa iyong pagtawag sa amin. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.

Pages: 1 2

{ 1 comment… read it below or add one }

Barbara Silvia L. Manalo March 13, 2020 at 6:03 am

Pinupuri at pinasasalamatan ka namin Panginoong Hesukristo.Amem.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: