Mga Pagbasa – Martes, Marso 10, 2020

March 10, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Sundin natin ang mga pangaral ng ating Panginoon na siyang nagturo sa atin na tuparin ang kanyang gawain nang may kababaang-loob at walang pagmamagaling.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, akayin mo kami sa daan ng iyong espiritu.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging lubos ang pag-aalay ng sarili sa kanilang dakilang bokasyon na ipangaral ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y makita ang kanilang mga itinuturo sa pamamagitan ng pagpapatotoo at mabubuting halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging sikaping gawin ang matuwid upang maging isang buhay na kapangyarihang nagkakabisa sa ating mga pagkilos ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang kalingain nang may pag-ibig at habag ang mga maysakit, mga matatanda, at mga nangungulila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang lumago kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming makapaglingkod sa iyo nang may pusong bukas at tapat. Hinihilingnamin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 10, 2020 at 4:37 am

Pagninilay: Ang Panahon ng Kuwaresma ay panawagan ng kalinisan at kababang-loob. Narinig natin sa Unang Pagbasa ang paanyaya ni Hesus na tawagin ang mga taong nagkasala na magsisi mula sa mga kasalanan at manumbalik sa Diyos. Gaano mang kalaki ang ating mga pagkakasala at pagkukulang, ang Panginoon ay patuloy na nagmamahal sa atin. At kaakibat ng kanyang walang hanggang pag-ibig ay ang pagiging malinis hindi lang sa labas, kundi pati na rin sa loob. Ito ang hindi nakita ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba sa Ebanghelyo. Madalas kilala ang mga pinuno ng mga Hudyo bilang mangaral at matataas ang posisyon. Ngunit sila na nga’y tagapagtupad at tagasunod ng Kautusan ay naghahangad na purihin ng ibang tao. Sila pa nga ang dumadagdag sa pamatok ng kanilang kapwa’y nangangailangan. Kaya tinuligsa ni Hesus ang kanilang pagiging “paimbabaw” o ibang salin ay “pakitang-tao” at “hipokrito”. Sa ayaw o gusto natin, iilan sa atin ay mayroon ganyang pag-uugali. Kaya nagsusuot tayo ng mga maskara upang magmukhang mabuti at matuwid sa harap ng napakaraming tao, subalit sa loob naman ay may mga nakatagong hangarin na hamakin ang ibang tao. Ang hamon sa atin ni Hesus ay kababang-loob sapagkat ito ang magpapataas sa atin bilang pangako na tayo’y kakamit ng tunay na buhay na walang hanggan. At nawa’y sa pagiging mapagkumbaba natin, lalung-lalo itong Panahon ng Kuwaresma, ay patuloy tayo na gumawa ng mabuti at matuwid na bagay sa ating kapwa hindi para maging sikat tayo, kundi ipakita ang ating pagmamahal sa kanila, na siya ring tanda ng pagmamahal natin sa Diyos.

Reply

Barbara Silvia March 10, 2020 at 8:56 am

Pinupuri at Pinasasalamatan ka nmin Panginoong Hesuskristo. AMEN

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: