Mga Pagbasa – Lunes, Marso 9, 2020

March 9, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo sa Diyos na mabait at mahabagin, nagpapagaling at nagpapatawad ng lahat ng ating kasalanan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon mahabagin, padaluyin mo ang iyong pag-ibig sa amin.

Ang Simabahan nawa’y magpatupad ng kanyang tungkuling magpagaling at magpatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpakita ng kalinga at malasakit para sa mga dukha at api, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makita ang ating sariling mga pagkakamali at iwasang humusga sa mga pagkakamali ng iba, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nangungulila at may kapansanan nawa’y makatagpo ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang yumaong mga mahal natin sa buhay at mga kaibigan nawa’y makatagpo ng kapanatagan at kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Maawaing Ama, ang mga panalangin at kahilingang idinudulog namin sa iyo ay nagpapahayag ng aming mga pangangailangan at pag-asa. Hinihiling namin ang mga ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

{ 1 comment… read it below or add one }

Barbara silvia March 9, 2020 at 5:58 am

Panginoong ko at DIYOS ko kahabagan mo po kami at patawarin sa lahat ng aming mga kasalanan. Pinupuri at pinasasalamatan ka namin,PANGINOONG HESUSKRISTO. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: