Mga Pagbasa – Biyernes, Marso 6, 2020

March 6, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Labis ang pagkabigo at pagkamuhing namamagitan sa ga tao, labis na pagtatalu-talo at pag-aaway. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng kapangyarihan na maging mga tagapaghilom at tagapagkasundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, biyayaan mo kami ng kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y maging kasangkapan ng pagkakasundo, pagpapatawad, pagpapagaling, at pagkakaisa ng mga tao at bansang nakikipagdigmaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpasimula ng mga proyektong magtataguyod ng katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa sa mga tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwasan ang paghihiganti, karahasan, at pag-aaway na bunga ng hidwaan, ideolohiya, o pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutuong magpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon..

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magtamo ng kagalingan ng espiritu sa pamamagitan ng pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, tulungan mo kaming makita ang bawat isa ayon sa iyong paningin upang tanggapin at itaguyod namin ang isa’t isa alang-alang sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.

Pages: 1 2

{ 4 comments… read them below or add one }

Barbara silvia March 6, 2020 at 5:00 am

Pinupuri at Pinasasalamatan ka namin, Panginoong Hesuskristo. Amen.

Reply

Ma. Luisa L. Belardo March 6, 2020 at 6:10 am

Piinupuri Ka at pinasasalamatan Panginoong Hesukristo

Reply

gloria bernardo March 6, 2020 at 6:53 am

naalis po b ang kasalan ng taong namatay n kung sika ay atinglpinagdarasl?

Reply

Romel U. Briones March 6, 2020 at 7:15 am

Pinupuri at Pinasasalamatan ka namin, Panginoong Hesuskristo.Amen. Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Salamat po sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: