Mga Pagbasa – Huwebes, Marso 5, 2020

March 5, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Nangako si Jesus: Humingi at kayo’y bibigyan. Lumapit tayo sa ating Amang nasa Langit nang may pag-asa at tiwalang katulad ng panalangin ng Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Butihing Ama, tumugon ka sa amin.

Sa buong Simbahan sa daigdig nawa’y lumaganap ang mataimtim na panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nalululong sa masasamang bisyo at nakasadlak sa kasalanan nawa’y humingi ng kapatawaran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y manatili sa pananalangin kahit tayo ay pinanghihinaan ng loob dahil sa mga kabiguan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang kahulugan ng kanilang pagtitiis sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad at muling mabuhay kasama ni Kristo sa walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa pagdinig mo sa aming mga kahilingan. Tulungan mo kami na laging magtiwala sa mga paraan ng iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 29, 2020 at 5:16 am

Pagninilay: Ang panalangin ay isa sa mga mahalagang gawain na ating isinasabuhay ngayong Panahon ng Kuwaresma. Subalit ang tanong dito ay hanggang kailan natin kailangang magtiis upang ipagkaloob ng Panginoon ang ating mga panalangin? Sa Unang Pagbasa (Ester 4:17 n. p-r. aa-bb. gg-hh), nagdasal si Reyna Ester nang buong pagtitiwala sa Diyos dahil sa nakahandang balak laban sa kanyang mga kababayang Hudyo. Ito ang madilim na balak ni Haman kung bakit ito’y naging personal na kalihim ni Hari Ahasuero. Kaya si Ester ay nabigla at nag-aalala sa kanila, lalung-lalo sa kanyang kapatid na si Ahasuero. At sa kanyang panalangin, hiniling niya sa Panginoon ng gabay at proteksyon para sa kanyang mga kababayan. At dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, ibinunyag ni Reyna Ester sa kanyang asawa ang balak ni Haman, at hindi hinayaan ni Ahasuero na saktan ni Haman ang mga kababayan ni Ester. Sa ating Ebanghelyo (Mateo 7:7-12), nagbigay si Hesus ng magandang paalala kung paano tayo dapat manalangin. Kung noong nakaraang Martes ay narinig natin ang pagtuturo ng Ama Namin, ngayon naman ay nagbibigay siya ng mga praktikal na halimbawa ng kahalagahan ng dasal. Kung may taong naghihingi ng tinapay, bibigyan ba natin ito ng bato? O kaya may naghihingi ng isda, bibigyan ba natin ito ng ahas? Kaya ipinapakita dito na kung tayo’y nagbibigay sa ating mga anak na kanilang hinihingi, ang ating Diyos Ama ang nagbibigay ng mga bagay sa mga humihingi mula sa kanya. At ito’y mangyayari ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban sapagkat ang ninanais niya ang kabutihan at kagandahang-loob ng isa. At sa huli ay winika ni Kristo ang Ginintuang Patakaran na gawin natin ang tama at mabuti upang iyan din ang ibabalik sa atin ng ating kapwa. Kaya ang buhay-panalangin ay kailangang may kaakibat na mabuting aksyon.

Reply

Fred Duaso Monares March 5, 2020 at 7:32 am

Amen

Reply

Barbara silvia March 5, 2020 at 6:52 am

Panginoon ko at Diyos ko, alam po namin na ikaw ang Diyos na nakakaalam ng lahat ,lagi mo po kaming ingatan at gabayan sa lahat ng aming iniisip ,ginagawa at maging mabuti po kaming anak mo ayon sa inyong kalooban . Salamat po Panginoon sa inyong pagpapala.AMEN.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: