Mga Pagbasa – Miyerkules, Disyembre 25, 2019

December 25, 2019

PANALANGIN NG BAYAN
DISYEMBRE 25, 2019

Sa banal na araw na ito, dumulog tayo sa Ama na walang sawang lumilingap at tumutulong sa kanyang bayan:

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Para sa Simbahan: patuloy nawa tayong maging saksi ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, si Hesus, upang maramdaman ng buong daigdig ang kanyang presensya. Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Para sa mga pinuno ng bansa: magkaisa nawa sila sa kanilang magagandang hangarin tungo sa pagkamit ng kapayapaan. Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Para sa mga hindi kumikilala kay Hesus, masumpungan nawa nila ang liwanag na hatid ng maningning na bituin upang makilala nila ang Anak ng Diyos. Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Para sa mga mag-anak: mamuhay nawa sila bilang mga Kristiyanong mayroong pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan. Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Para sa mga mahihirap: masumpungan nawa nila ang pag-asa at kagalakang hatid ng Tagapagligtas. Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan. (Tumahimik). Manalangin tayo.

Panginoon, pagpalain mo ang iyong bayan.

Ama, dinggin mo ang aming mga panalangin. Gawin mong panahon ng pasasalamat at pagbabahaginan ang pagdiriwang namin ng Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak at aming Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez December 24, 2018 at 3:50 am

Pagninilay: Kamakailan lang, nakabihis ako upang mag-Simbang Gabi. Binigyan ako ng isang P1,000 at tatlong P20 para sa koleksyon ng Pag-aalay at pagkatapos ng Misa ay makabili ng Burger King. Malapit lang ang simbahan kaya’t isang lakad lang siya. Nang palabas na ako ng bahay, biglang nakita ako ng mga batang nangagaroling, at kumanta sila habang namamasko. Kaya binigyan ko sila ng isang P20, pero may isa pang batang umawit habang nagmamasko, kaya binigay ko sa kanya ang isa pang P20. Pagkatapos nito, naglakad na ako papuntang simbahan. At habang lumalakad, may isang grupo ng mga bata ang biglang nagmasko sa akin. Kaya ibinigay ko sila ang huling P20 mayroon ako. Yung mga batang binigyan ko ay nagpasalamat. Hindi ko nang akalain na P1000 na lang ang perang natitira, at tinitipid ko iyan para sa Burger King sapagkat humihingi din ang aking mga kapatid. Kaya nang umabot na Paghahanda ng mga Alay, inilibas ko ang P2 sa aking bulsa at iniligay sa koleksyon. Pagkatapos ng misa, naglakad ako at kumain muna sa Burger King. Sa labas ng kainang iyon, may isa pang nagmamaskong grupo ng batang aking nakasalubong. Dahil P1,000 na lang ang pera ko, ginamit ko ito muna upang bilihin ang aking mga order (dine in) at ang order ng aking mga kapatid (take out). At pagkatapos kong kumain, hawak ko ang order ng aking mga kapatid at pati ang isang ekstrang order para sa mga bata kasama ang donasyon para sa kanila, at sila’y nagpasalamat. Eto pa: hawak ko rin ang mga imahe ni Santa Teresa ng Kolkata at San Martin de Porres. Muntik ko na silang iwanan sa Burger King, pero mabuti namang bumalik ako at kinuha ko sila. Dinala ko sila upang ibasbas ng Pari, at parang silang gumabay sa akin sa araw na iyon sapagkat ayon sa kanilang talambuhay, naglingkod sila sa mga dukha, mahihirap, niyuyurakan, at mga ulila. Parang naisip kong iyan ang pinakamagandang regalo ko ngayong Kapaskuhan. At ngayong araw na ito, mayroong akong mga canned goods na nangangahalang P500 para ibigay ko mamaya ilang mga mahihirap na nakatulog sa mga kalye.
Ayon sa ating pananampalataya, naniniwala tayo na ang Panginoong Hesukristo ay tunay na Diyos (100%) at tunay na tao (100%). Ito’y dahil sa sinabi ni San Juan nang simulan niya ang kanyang Ebanghelyo sapagkat ang pokus ng Apostol ay tungkol sa hypostatic union. Si Hesus ay ang Walang-hanggang Salita na nagkatawang-tao upang tayo’y iligtas mula sa kasalanan, turuan na tayo’y magmahalan katulad ng patuloy na pagmamahal sa atin ng Ama, at marapatin tayong tawaging mga anak ng Kataas-taasan. Kaya nga ang kanyang imahe ngayong Pasko ay isang munting sanggol. Sa panahong kanyang kinasasakupan, ang mga bata at babae ay tinuturingan ng lipunan bilang mga mahihina dahil nakadepende sila sa kanilang mga tatay. Pero mismong si Kristo ang tuturo sa atin na sinumang mababang-loob na tatanggap sa Kaharian ng Diyos katulad ng isang bata ay papasok rito. Kaya ang turo sa atin ay maging katulad ng isang bata (childlike), hindi yung isip-bata (childish). Si Hesus nga ay naging magpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Ama hanggang sa punto na siya’y namatay sa Krus upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan. At kahit tayo’y makasalanan o mabuti, ang dahilan kung bakit siya’y nagkatawang-tao ay sapagkat mahal tayo ng Diyos at tayo’y kanyang mga anak sa liwanag at buhay. Sa ating paglalakbay sa daan ng Pasko ng Pagsilang, nawa’y manahan si Hesus sa duyan ng ating mga puso, tanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay, at mahalin at paglingkuran natin ang ating mga kapwa sa pamamagitan ng pagiging mabuting ehemplo at paggawa ng mga mabubuti at kawang gawa.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: