Mga Pagbasa – Lunes, Disyembre 9, 2019

December 9, 2019

PANALANGIN NG BAYAN

Disyembre 8, 2019
Kalinis-linisang Paglilihi sa Birheng Maria

Sa Kalinis-linisang Paglilihi sa kanya, nahahayag si Maria bilang ikalawang Eba. Siya ang bagong simula ng Diyos para sa ating lahi. Sa ating pagpaparangal sa kanya sa araw na ito, samahan natin siya sa pananalangin sa ating Ama at Lumikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
O kaya
Ama, loobin mong parangalan ng aming buhay ang iyong kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y lumagong patungo sa kaganapan ni Maria, ang ating hantungan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pananalangin at pagtitika sa kasalanan, marating nawa ng mundo ang panahon ng kapayapaan na siyang tagumpay ng puso ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may busilak na puso nawa’y magtaguyod ng matuwid na pamumuhay at pagkakasundo sa buong lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tulungan sa ating paglalakbay ni Maria, na napupuno ng grasya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magdiwang nang walang katapusan kasama ni Maria at ng mga banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama at Lumikha, dinggin mo kami sa aming pananalangin na kasama ng Kalinis-linisang Birheng Maria, hinirang bago pa man nilalang ang mundo, upang maging Ina ni Jesus na iyong Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

{ 4 comments… read them below or add one }

Jose M. Javier December 8, 2016 at 5:06 am

In first reading which is part of the creation, Our Lord shown His love for us He gave us paradise and trust. But despite of everything binaliwala ni Adan and Eve, God gave choices. And in the Gospel God insist His love for ” God gave His only begotten son thru Mama Mary for His plan of salvation. And in thjs reading makikita natin ang faith and humbleness ni Mama Mary sa pagsunod niya sa plano ni Lord. To sum up God is omnicient, omniptent and omnipresent. Amen

Reply

Reynald Perez December 7, 2018 at 10:21 pm

Pagninilay: Napakadakilang ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sanlibutan. Kaya ito yung ating pinaghahandaan sa Panahon ng Adbiyento para sa pagdiriwang ng Pagsilang ng ating Tagapagligtas sa Kapaskuhan. At ngayong ikawalo ng Disyembre, ang Simbahan ay nanawagan na ating alalahanin ang Birheng Maria sa kanyang kalinis-linisang paglilihi o mas kilala bilang “Immaculada Konsepsiyon”. Ayon sa ipinaliwanag ni Beato Papa Pio IX sa kanyang Papal Bull na “Ineffabilis Deus,” naniniwala tayo na si Inang Maria ay pinaglihing walang bahid na kasalanan. Ito’y nangyari ayon sa plano ng Diyos upang magkaroon ng isang mabuting tahanan para sa pagsilang ni Kristo Hesus. Ang mga ibang sekta ay nagtatanong kung nasa Bibliya ba raw ang salitang “Immaculada Konsepsiyon”. At paratang din nila na ang Dogmang ito ay taliwas daw sa sinabi ni San Pablo sa Roma 3:23 na lahat ng tao ay nagkasala. Subalit ang hindi nilang maunawaan ay mayroong malalim na konteksto ang pahayag na iyan. At tungkol naman sa paglilinaw tungkol sa paniniwalang si Maria ay pinaglihing walang kasalanan, makikita natin sa mga Pagbasa ang kasagutan. Ang Unang Pagbasa ay ang kwento ng unang pagkakasala ng tao na kung saan sinuway nina Adan at Eba ang Diyos na huwag kainin ang prutas na mula sa Puno ng Kaalaman tungkol sa Mabubuti at Masasama. Nilikha ng Panginoon ang lahat upang maging mabuti gayundin ang tao na kanyang binigyan ng tungkulin sa lahat ng nilalang. At mayroon ding kalayaan ang tao dahil sa Diyos upang ito’y gamitin niya nang mabuti. Subalit nang tuksuin sila ng ahas, nakita nila ang kahubaran ng kanilang mga katawan, kaya’t sila’y nagtago sa mga punongkahoy. Nang hinahanap ng Diyos ang lalaki at babae, tinanong niya kung nasaan sila, bakit sila’y tumatago, at bakit nila sinuway siya. Hindi nga natakpan ang kanilang kahihiyan, subalit nagdulot din ang kanilang pagbibintang sa paglaganap ng kasamaan sa mundo. Ngunit naging matapat pa din ang Panginoon sa paghahangad ng kaligtasan ng tao. Kaya ang Genesis 3:15 ay tinaguriang “Protoevangelium” sapagkat ito ang unang pagbabalita ng kaligtasan ng tao. At nakita ito sa pahayag ng pagkakaaway ng ahas na sumisimbolo kay Satanas at ng babae na sumasagisag kay Maria. At ang binhi ng babae na magtatagumpay laban sa ahas ay sumisimbolo kay Hesukristo na magtatagumpay laban sa pagkakasala at kasamaan. Kaya nga minarapat ng Panginoong Diyos na gawing malinis ang ating Mahal na Ina upang ipaglihi si Hesus nang walang bahid na kasalanan. At ang Ebanghelyo tungkol sa Pagbabalita ni San Gabriel Arkanghel kay Maria ay patunay nito. Sa pagbati ng anghel kay Maria, sinabi niya na ang Mahal na Ina ay “kecharitomene,” isang salitang Griyegong nangangahulugang “napupuno ng grasya”. Kaya makikita natin na dakila ang plano ng Diyos, at sa pagsabi ng “Oo” ni Birheng Maria, natupad ang planong ito. Ang Immaculada Konsepsiyon ay hindi ito tungkol sa pagsilang ni Maria, kundi ito ang kanyang kalinis-linisang paglilihi siyam na buwan bago siya’y ipinanganak. Kaya nga ang Disyembre 8 ay sumasapit siyam na buwan bago mag Setyembre 8. Ang Immaculada Konsepsiyon ay isang Pistang Pangilin hindi lang dahil tayo ay kinakailangang magsimba, kundi upang makilala natin ang kadakilaan at pagmamahal ng Panginoon sa atin. At nawa’y tularan natin ang halimbawa ng ating Mahal na Inang Maria na sa kanyang pagtalima sa dakilang kalooban, tayo rin ay magiging tapat sa Diyos nang buong pananampalataya at kababang-loob.

Reply

Melba G. De Asis December 8, 2018 at 6:43 am

O kalinislinisang Maria Ikaw ang hinirang ng Diyos Ama para ipanganak ang Anak ng Diyos na magliligtas sa kasalanan ng sangkatauhan. Ipanalangin mo po kami Mahal na Ina na Siyang tagapamagitan at tagapag-ugnay namin sa Panginoong Diyos. Nawa’y maging matapat kami na katulad mo na may buong pananampalataya at pag-ibig sa Panginoon. Amen

Reply

Celine December 8, 2018 at 4:25 pm

PINUPURI KA MANIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: