Podcast: Download (Duration: 4:01 — 2.0MB)
Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga
Martes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Zacarias 8, 20-23
Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7
Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos.
Lucas 9, 51-56
UNANG PAGBASA
Zacarias 8, 20-23
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias
Ito ang ipinasasabi ng Panginoon:
“Darating sa Jerusalem ang mga taga-iba’t ibang bayan. Sila’y magyayayaan: ‘Tayo na sa Panginoon. Hanapin natin siya at mamanhik tayo sa kanya. Ako man ay pupunta roon.’ Maraming tao at bansang makapangyarihan ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog sa Panginoon. Sa araw na yaon, sampu-sampung dayuhan ang mangungunyapit sa bawat Judio at makikiusap na isama sila dahil sa balitang ang mga Judio ay pinapatnubayan ng Diyos.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7
Tugon: Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos.
Sa bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod.
ang lungsod na ito’y
higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.
Kaya’t iyong dinggin
ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lungsod ng Diyos
Tugon: Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos.
“Pag tinala ko
yaong mga bansang sa iyo’y sasama,
aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;
ibibilang ko rin yaong Filistia, Tiro at Etiopia.
“At tungkol sa Sion,
yaong sasabihi’y, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”
Tugon: Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos.
Ang Poon ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.
Tugon: Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling nating lubos.
ALELUYA
Marcos 10, 45
Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain,;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
« Mga Pagbasa – Lunes, Setyembre 30, 2019
Mga Pagbasa – Miyerkules, Oktubre 2, 2019 »
{ 10 comments… read them below or add one }
Salamat sa butihing Diyos, makapangyarihan at manunubos nang lahat. AMEN!
Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagtatahak ni Hesus tungo sa Jerusalem. Batid ng Panginoon ang kanyang haharapin na Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus sa lungsod, kaya’t dumaan siya sa mga nayon ng Samaria. Subalit ibinalita ng kanyang mga tagapagbalita na ayaw siyang tanggapin ng mga sinagogoa roon, kaya’t napadala sa galit ang dalawang magkapatid na si Santiago at Juan, ang mga anak ni Zebedeo, na kung nais ipadala nila ang apoy mula sa langit upang wasakin ang mga nayon. Kaya sila’y tinawag ni Hesus bilang “Boanerges,” na may kahulugang “mga anak ng kulog”. Ngunit pinagsabihan sila ng Panginoon na naparito siya upang maligtas, at hindi mapaghamak ng tao. Makikita natin sa katauhan ni Hesus ang malawak na pag-unawa sa mga hindi pa tumatanggap at nakikilala sa kanya bilang Anak ng Diyos. Nilawak din niya ang kaligtasan sapagkat ang lumang paniniwala noon ay sa loob lamang ng Hudaismo makakamtan ang biyayang iyan. At ang mga Samaritano ay tinuturing noon bilang mga kaaway ng mga Hudyo dahil sa kanilang pagsamba ng iibang diyos. Subalit makikita natin ang pagpapakita ni Kristo ng pag-ibig ng Ama na ganap at lubos. Mula sa angkan ng mga Hudyo at Samaritano ay maipapabilang ang marami sa kanyang ngalan, at ito ay ang mga Kristiyano. At ang pagkakilanlan sa atin bilang mga Kristiyano ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay ang tanda ng ating pagtanggap sa mga mensahe ni Hesus, at nawa’y ipamalas natin ito sa ating kapwa.
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo
Salamat sa Diyos! AMEN!
My Lord, thank you for the salvation that you brought us. And, despite that others refused to accept your offer of salvation, you have never stopped inviting them. Despite that we who accepted you still value the earthly things more than you and your commandment, you never cease loving and protecting us. Thank you Lord for loving even our unworthiness. And, may all of us turn to You with all our heart, with our mind, with our soul. Amen.
Pinupuri kami Panginoon Hesukristo,Amen
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA!
Salamat sa Diyos! Amen!
Pinupuri ka namin,Panginoong HesuKristo
Salamat sa Diyos!