Podcast: Download (Duration: 4:35 — 3.3MB)
Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir
2 Corinto 9, 6-10
Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9
Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
Juan 12, 24-26
UNANG PAGBASA
2 Corinto 9, 6-10
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan — upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan:
“Siya’y namudmod sa mga dukha;
walang hanggan ang kanyang kabutihan.”
Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marmai. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong pagtulong na dadalhin ko sa kanila.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9
Tugon: Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.
Tugon: Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.
Tugon: Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos.
Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.
Tugon: Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
Mabait nalubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.
Tugon: Ang taong tunay na mat’wid ay mahabagi’t mabait.
ALELUYA
Juan 8, 12bk
Aleluya! Aleluya!
Kapag si Kristo’y sinundan
liwanag n’ya’y makakamtan
para mabuhay kailanman.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 12, 24-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito’y mamumunga nang marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
« Mga Pagbasa – Biyernes, Agosto 9, 2019
Mga Pagbasa – Linggo, Agosto 11, 2019 »
{ 17 comments… read them below or add one }
Papuri sayo Panginoon, mabuti sa lahat, pagasa nang lahat. Dakila at tagapagligtas mahabagin sa makasalanan. Iligtas niyo po kami, liwanagan niyo po ang aming landas nang kami ay makasama sa inyo magpasawalang hangan. AMEN!
Noted, thanks! Amen!
Praise To You Lord Jesus Christ…
Amen.
Salamat sa Diyos! Amen!
AMEN PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESU KRISTO.
ALLELUIA!
PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Juan 12:24-26), ginamit ni Hesus ang imahe trigo bilang kaugnayan sa ating mga buhay bilang Kristiyano. Nais niyang ipahayag sa atin kung ano ang kahalagaan sa pagiging mga alagad niya. Katulad ng pagkamatay ng isang trigo, pagkahulog nito sa lupa, at pagiging masagana ang bunga, si Hesus din mismo ay namatay sa Krus at muling nabuhay upang tayo’y iligtas mula sa kasalanan at makibahagi sa misyon ng Diyos. Ang imahe ng trigo ay may kaugnayan sa buhay ng mga martir, lalung-lalo ngayon si San Lorenzo (hindi Ruiz). Siya’y isang diyakono noong ikatlong siglo, at naging bukas palad siya sa pagbenta ng mga mahaling kagamitan sa mga mahihirap. Kaya ito’y ginalitan ng Prefek ng Roma at iniutusan siyang ibalik ang mga kayamanan sa emperador. At dinala niya ang mga mahihirap bilang kayamanan ng Simabahan. Kaya hinatulan siya na patayin gamit ang gridiron. Bago siya pinatay, sinabi niya sa Prefek, “Hayaang nakatabingi ang katawan ko. Sapat na ang isang tagiliran ay maluto.” Si San Lorenzo ay namatay para sa mga mahihirap dahil binuwis niya ang kanyang buhay sa pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan. Kaya’t totoo ang pahayag ni Tertuliano: “Ang dugo ng mga martir ay binhi ng mga Kristiyano.” At tayo din ay dadanas ng mga pahihirap at pagsubok sa ating buhay. Pero ang mahalaga dito ay nagtitis at nagtiyaga, ginawa natin ang mabuti at tama alang-alang sa Panginoon. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ni Kristo at iharap ang bawat hamon ng buhay nang may pananampalataya sa kanya at pagmamahal sa kapwa.
Papuri sayo panginoon,,,, Amen
It’s our duty to serve the Lord after demonstrating His greatest act of love by giving Him his only begotten Son to for our sins. Likewise it is the reason why we are still on Earth. To continue His mission through evangelization
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.
Paginoon salamat po sa pag bigay mo sa amin ng magandang kalusugan upang maka pag lingkod sa aming kapwa. Salamat sa lakas na ibinigay mo sa amin para sundin sa iyong daan at gumawa ng ayon sa iyong kalooban. AMEN
Pinupuri ka namin, Panginoong HesuKristo!
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA!
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo! Amen!
Salamat sa Diyos! AMEN!
Salamat sa Diyos!