Podcast: Download (4.7MB)
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Genesis 18, 1-10a
Salmo 14, 2-3ab. 3kd-4ab. 5
Sino ba ang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Colosas 1, 24-28
Lucas 10, 38-42
UNANG PAGBASA
Genesis 18, 1-10a
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Noong mga araw na iyon, napakita ang Panginoon kay Abraham sa Mamre sa may sagradong mga punongkahoy. Noo’y kainitan ng araw at nakaupo siya sa pintuan ng kanyang tolda. Walang anu-ano’y may nakita siyang tatlong lalaking nakatayo. Patakbo siyang sumalubong, yumukod nang halos sayad sa lupa ang mukha, at sinabi: “Mga ginoo, kung inyong mamarapatin, magtuloy po kayo sa amin. Dito muna kayo sa lilim ng punong ito, at ikukuha ko kayo ng tubig na panghugas sa inyong mga paa. Magpapahanda tuloy ako ng pagkain para manauli ang lakas ninyo bago kayo magpatuloy sa inyong paglalakbay. Ikinagagalak ko kayong paglingkuran habang naririto kayo sa amin.”
Sila’y tumugon, “Salamat, ikaw ang masusunod.” Si Abraham ay nagdudumaling pumasok sa tolda at sinabi kay Sara, “Madali ka, kumuha ka ng tatlumpung librang harina, at gumawa ka ng tinapay.” Pumili naman siya ng isang matabang guya sa kulungan, at ipinaluto sa isang alipin. Kumuha rin siya ng keso at sariwang gatas at inihain sa mga panauhin kasama ang nilutong karne. Hindi siya lumalayo sa tabi ng mga panauhin habang sila’y kumakain.
Samantalang sila’y kumakain, tinanong nila si Abraham: “Nasaan ang asawa mong si Sara?”
“Nandoon po sa tolda,” tugon naman nito.
Sinabi ng panauhin, “Babalik ako sa isang taon, sa ganito ring panahon, at pagbabalik ko’y may anak na siya.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 14, 2-3ab. 3kd-4ab. 5
Tugon: Sino ba ang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Yaong mga masunurin na sa iyo’y nakikinig,
at ang laging ginagawa’y naaayon sa matuwid,
kung mangusap ay totoo, sa lahat at bawat saglit,
yaong gawang paninira’y hindi niya naiisip.
Tugon: Sino ba ang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Kailanman, siya’y tapat makisama sa kapwa,
sa kaniyang kaibiga’y wala siyang maling gawa;
hindi siya nagkakalat ng di tunay na balita.
At itinatampok niya ang matapat sa lumikha.
Tugon: Sino ba ang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Hindi siya humihingi ng patubo sa pautang,
at kahit na anong gawi’y hindi siya masuhulan,
upang yaong walang sala’y patawan ng kasalanan.
Ang ganitong mga tao’y mag-aani ng tagumpay.
Tugon: Sino ba ang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
IKALAWANG PAGBASA
Colosas 1, 24-28
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Mga kapatid, nagagalak ako sa aking pagbabata ngayon alang-alang sa inyo sapagkat sa pamamagitan nito’y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Kristo para sa simbahan na kanyang katawan. Ako’y naging lingkod nito nang hirangin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita. Hinirang niya ako upang lubusang ihayag sa inyo ang hiwaga na mahabang panahong nalihim sa maraming sali’t saling lahi, ngunit ngayo’y inihayag sa kanyang mga anak. Inibig ng Diyos na ihayag sa kanyang mga anak. Inibig ng Diyos na ihayag sa lahat ng tao ang dakila at kamangha-manghang hiwagang ito. Ito ang hiwaga: sumainyo si Kristo at dahil dito’y nagkaroon kayo ng pag-asang makapiling ng Diyos doon sa kaluwalhatian. Iyan ang dahilan kung bakit namin ipinangangaral si Kristo. Pinaaalalahanan namin ang lahat, at buong linaw na tinuturuan ayon sa aming makakaya upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa, sakdal at walang kapintasan dahil sa pakikipag-isa kay Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Lucas 8, 15
Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa D’yos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 10, 38-42
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
« Mga Pagbasa – Sabado, Hulyo 20, 2019
Mga Pagbasa – Lunes, Hulyo 22, 2019 »
{ 18 comments… read them below or add one }
Salamat po sa mga pang-araw araw na mga pagbasa na ibinabahagi ninyo dito. Malaking tulong ito na mabasa para sa meditation at mabasa rin bago umatend ng misa lalo na sa araw ng Linggo. Mabuhay po kayo and God bless po!
Maraming Salamat sa mga pang araw-araw na mga mga pagbasa. Ako po ay nagagabayan at lalong naka pag darasal ng mataimtim sa misa dahil nababasa ko ang mga pagbasa sa misa.
maraming salamat po sa website at daily readings po.
This Sunday, we are given the opportunity to realiZe that the Lord is in our midst. In the Gospel (Luke 10:238-42), Jesus entered a village called Bethany and stayed with two sisters of man called Lazarus (not mentioned in this event), and they are Martha and Mary. We could see the different cultures present in welcoming guests. Martha serves the needs, while Mary sits at Jesus’ feet and listens. Martha commands him to let her sister serve, but the Lord tells her that in the midst of her anxieties, Mary has chosen “the one thing important”. That is why when she went to the Lord to announce that Lazarus has died, Christ told her that he is the resurrection and the life, and Martha’s response is: “I believe that you are the Christ, the Son of God, the one who is coming into the world” (John 11:27). As for Mary, when he visited them again six days before Passover, she anointed his feet with the oil made from costly pure nard, then wiped them with her hair and kissed them. Jesus called this an act of love that will be remembered before his burial. This is what we call the Bethany Experience. Aside from the Apostles, Lazarus, Martha, and Mary were also close friends of our Lord. When he visited them, they comforted him because they knew that he has been preaching to the crowds and performing miraculous signs. Likewise, the Lord is in our midst wherever we go and whatever we do. Despite the work we have either in school or office, we should always ask him to guide us and at the end of the day, thank him. That is why we have the Lauds (morning) and Vespers (evening) in the Liturgy of the Hours. And Sundays are opportune days to rest physically and spiritually by going to Mass, spending time with family, friends, and loved ones, and doing acts of charity and kindness to others. So as we journey down this road, may we always recognize that the Lord is with us, and our response should be faith and it’s manifestation in thoughts, words, and actions. May the Bethany experience help us to welcome him in our hearts and also to see and reach out to him in the faces of our brothers and sisters.
maraming salamat po sa readings.
nawa po ay gabayan at pagpalain tayo ng Poong Maykapal.
salamat sa sharing, nawa’y pagpalain kaatng pamilya mo ng Poong Maykapal
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
Pinupuri ka namin Panginoong HesuCristo.Amen
Maraming salamat po meron po palang tagalog na sundAy Gospel.Salamat sa Panginoon Diyos.
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo!
Maraming salamat po una sa ating Panginoon na nagkakaloob sa ating ng mga biyaya.
Salamat sa mga nagbibigay ng mga refection at mga paliwanag kung nagiging bukas ang aming isipan at puso upang makagawa kami ng mga bagay na kalugod lugod sa Panginoon at kapwa! Mabuhay po kayo patuloy po kayong maging gabay para sa amin.
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo Amen
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA!
Salamat sa Diyos! Amen!
Salamat sa Diyos! AMEN!
Salamat sa Diyos!
Salamat sa pag-share sa amin ng mga salita ng Diyos.