Mga Pagbasa – Martes, Marso 14, 2017

March 14, 2017

in Tagalog Mass Readings

Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 1, 10. 16-20
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 23, 1-12

UNANG PAGBASA
Isaias 1, 10. 16-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Mga pinuno ng Sodoma,
pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon;
mga namamayan sa Gomorra.
pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos.
Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin;
talikdan na ninyo ang masasamang gawain.
Tumigil na kayo ng paggawa ng masama.
Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti;
pairalin ang katarungan;
itigil ang pang-aapi;
tulungan ang mga ulila;
ipagtanggol ang mga balo.
“Halikayo at magliwanagan tayo,
gaano man karami ang inyong kasalanan,
handa akong ipatawad ang lahat ng iyan,
kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan,
kayo’y magiging busilak sa kaputian.
Kung kayo’y susunod at tatalima,
pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain.
ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway
ay tiyak na kayo’y mamamatay.”
Ito ang sabi ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at hi ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 18, 31

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasamaan ay layuan,
kasalana’y pagsisihan;
kayo ay magbagong-buhay,
magbalik-loob na tunay.”

MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyong, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanang ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sndin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyo tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guo, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyo tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maigng lingkod ninyo. Ang nagpakakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MAGNILAY TAYO!

Pagnilayan natin ang Salita ng Diyos, ang salitang nagbibigay buhay! Mahalaga ang ang pagbabahagi ng pagninilay upang mas maunawan pa natin ang mensahe ng ating Diyos para sa bawat isa sa atin.

{ 4 comments… read them below or add one }

Franciadimabayaoportanoba March 14, 2017 at 5:40 am

I want to subscribedailyreadings. tagalog

Reply

Ivan Fajardo March 14, 2017 at 6:25 am

Tayo po ngayong martes ng ika-2 linggo na apatnapung araw na paghahanda Salmong Tugonan: Ang masunurin sa Diyos sasagipin nyang lubos!

Reply

Ivan Fajardo March 14, 2017 at 6:27 am

Salmong Tugonan: Ang masunurin sa Diyos sasagipin nyang lubos!

Reply

kulotspark March 14, 2017 at 1:01 pm

salamat sa diyos

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: