Mga Pagbasa – Biyernes, Agosto 21, 2015

August 21, 2015

in Tagalog Mass Readings

Play

Paggunita kay Papa San Pio X
Biyernes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Ruth 1, 1. 3-6. 14b-16. 22
Salmo 145, 5-6. 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Mateo 22, 34-40

Mga Pagbasa – Biyernes, Agosto 21, 2015
Biyernes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Paggunita kay Papa San Pio X

UNANG PAGBASA
Ruth 1, 1. 3-6. 14b-16. 22

Ang simula ng aklat ni Ruth

Nang ang Israel ay pinamumunuan ng mga hukom, nagkaroon ng taggutom sa buong bayan. Kaya’t may isang lalaking taga-Betlehem, Juda na sandali munang nanirahan sa Moab, kasama ang kanyang asawa’t dalawang anak na lalaki. Namatay si Elimelec at naiwan si Noemi. Ang dalawa nilang anak ay nakapangasawa ng mga Moabito, sina Orpa at Ruth. Pagkalipas ng mga sampung taon, namatay naman sina Mahalon at Quelion, kaya’t si Noemi ay naiwang ulila sa asawa’t mga anak.

Nabalitaan ni Noemi na ang kanyang bayan ay pinagkalooban ng Diyos ng mabuting ani kaya’t humanda sila ng kanyang mga manugang ng umalis sa Moab.

hinagkan ni Orpa ang kanyang biyenan, at tuluyang bumalik sa kanyang bayan. Ngunit nagpaiwan si Ruth.

Sinabi ni Noemi kay Ruth: “Ang bilas mo’y nagbalik na sa kanyang bayan at sa kanyang mga diyos. Umuwi ka na rin.” Tumugon si Ruth: “Huwag na ninyong hilinging iwan ko kayol. Hayaan na ninyo akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumaroon, doon ako paroroon. Kung saan kayo tumira doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang kaing magigng Diyos.”

Iyan ang nangyari kaya mula sa Moab ay nagbalik si Noemi, kasama si Ruth, ang manugang niyang Moabita. Nang dumating sila sa Betlehem ay sinisimulan nang anihin ang sebada.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 5-6. 7. 8-9a. 9bk-10

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos
na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;
Sa Diyos na Panginoon, umaasang lubos.
sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MAGNILAY TAYO!

Pagnilayan natin ang Salita ng Diyos, ang salitang nagbibigay buhay! Mahalaga ang ang pagbabahagi ng pagninilay upang mas maunawan pa natin ang mensahe ng ating Diyos para sa bawat isa sa atin.

Leave a Comment



Previous post:

Next post: