Panalangin Para Sa Yumao (Umaga)
Podcast: Download (Duration: 20:20 — 9.7MB)
PANALANGIN PARA SA YUMAO
mula sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon (Liturhiya ng Mga Oras)
Office of the Dead | Panalangin Para sa Patay
Download (PDF): Panalangin Para sa Yumao
Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.
– At pupurihin ka ng aking bibig.
PAANYAYA SA PANALANGIN
ANTIPONA: Halina at purihin natin ang Panginoon; ang lahat ng bagay ay nabubuhay para sa kanya.
SALMO 95
Ang panawagan upang papurihan ang Diyos
Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, Siya ay awitan,
Ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay Purihin ng mga awiting may tuwa at galak.
(Uulitin ang Antipona)
Sapagkat ang Diyos ay ang Panginoong napakadakila,
Ang dakilang Haring higit sa sinuman na binabathala.
Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman,
Ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.
Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.
(Uulitin ang Antipona)
Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
Lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya an gating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang,
Mga tupa tayong inaalagaan.
(Uulitin ang Antipona)
Ang kanyang salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y huwag patigasin,
Tulad ng ginawa ng inyong mga magulang
Nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang,
Bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng nakinabang.
(Uulitin ang Antipona)
Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,
Ang aking sinabi, “Sila ay suwail, walang pakundangan
At ang mg autos ko ay sinuway!”
Dahil sag alit ko, ako ay sumumpang di sila daratal,
Sa lupang pangakong aking inilaan.”
(Uulitin ang Antipona)
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;
Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
(Uulitin ang Antipona)
Panalangin sa Umaga
AWIT
REFRAIN
Yahweh, alam kong Ika’y naririto.
Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
Puso ko’y ‘Yong nasiyasat, batid Mo ang lahat-lahat.
Ang aking mga panlulumo at ang aking mga pagtayo.
Kamay ko’y lagi Mong tangan, kahit sa bingit ng kamatayan.
Yakap MO ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)
Pag-ibig Mo’y s’an tatakasan? Sa rurok ng langit ‘Ka’y nariyan.
Ikaw ang kaagapay saanman ako maglakbay.
Sa ningning man ng araw, hahantungan lagi ay Ikaw.
Yakap Mo ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)
KODA
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
Pages: 1 2
{ 23 comments }
Panginoon, bigyan mo kami ng buhay kay Kristo.
Pagpalain nawa tayo ng Diyos patungo sa buhay na walang hanggan.
Panginoon bibigyan mo kami ng bagong buhay kay Kristo.
Halina at purihin natin ang atin Paniginoon,ang lahat ng bagay ay nabubuhay para sa Kanya.
Papupurihan ko ang aking Diyos sa lahat ng aking buhay.
Panginoon buksan mo ang aking labi at pupurihin ka ng making bibig.
Sa buhay na walang hanggan akay akay mo.
Pupurihin kita Panginoon sapagkat sinagip mo ako.
Panginoon,bigyan mo kami ng bagong buhay kay Kristo.
Panginoon buksan mo ang aking mga labi.At pupurihin ka ng aking mga bibig.
Panginoon ang iyong landas’y ituro sa akin.
For Sthe soul of Jaime V. Argosino. Silayan po ninyo siya ng walang hanggang liwanag.
Totoong kalugodlugod ang magpasalamat sa Diyos.
Panginoon,akoy dinggin,pagbigyan sa aking daing.
Im using my book Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon. A big help, thank you. Praise the Lord!
Lungsod ng Diyos ay matatag dahil sa bigay n’yang lakas.
Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak.
Lahat tayo’y kanyang bayan,kabilang sa kanyang kawan.
Panginoon bigyan mo kami ng bagong buhay kay Kristo.
Maraming2 salamat
Panginoon ng nangabubuhay at nangamatay.
Diyos at taong totoong tunay,..
SA pagkakataon ako ay naka pag Puri
At pasasalamat SA walang humpay mong kabutihang na maisagawa ko Ang panalangin para SA Aming yumaon mga magulang at kapatid SA harap NG puntod Nila..SA kaarawan NI kuya+mannie+ na tinawag mo kailan Lang at nawa lahat sila at masinagan na ng iyong walang Lisa AG at kalugayan SA piling din NG iyong Mahal na Birheng Maria, SA kalualhatian SA langit , ngayon at maoag kailanman ,…
AMEN..
Sa buhay na walang hanggan akay akay mo
Panginoon bigyan mo kami ng bagong buhay kay Krosto.
Salamat sa diyos