Panalangin Para Sa Yumao (Takipsilim)
Podcast: Download (Duration: 15:54 — 7.6MB)
Panalangin sa Takipsilim
mula sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon (Liturhiya ng mga Oras)
Office of the Dead | Panalangin para sa Patay
Download (PDF): Panalangin Para sa Yumao
O Diyos, halina at ako’y tulungan.
– O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay.
Papuri sa ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
– Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
AWIT
REFRAIN
Yahweh, alam kong Ika’y naririto.
Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
Puso ko’y ‘Yong nasiyasat, batid Mo ang lahat-lahat.
Ang aking mga panlulumo at ang aking mga pagtayo.
Kamay ko’y lagi Mong tangan, kahit sa bingit ng kamatayan.
Yakap MO ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)
Pag-ibig Mo’y s’an tatakasan? Sa rurok ng langit ‘Ka’y nariyan.
Ikaw ang kaagapay saanman ako maglakbay.
Sa ningning man ng araw, hahantungan lagi ay Ikaw.
Yakap Mo ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)
KODA
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.
ANTIPONA 1: Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan niya ang iyong kaluluwa.
SALMO 121
(Tagapagtanggol ng kanyang bayan)
Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,
Saang manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
Huwag sana akong bayaang mabuwal,
Handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,
Hindi natutulog at palaging gising!
Ang Diyos na Panginoon, siyang magbabantay,
Laging nasa piling, upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Sa mga panganib, ikaw’y ililigtas
Nitong Panginoong, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ikaw’y iingatan,
Di ka maaano kahit na kailan.
(Papuri sa Ama at…)
ANTIPONA 1: Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan niya ang iyong kaluluwa.
Pages: 1 2
{ 24 comments }
Hi!
Good afternoon. This is katherine po. Nasa vietnam po ako dito ako nagwowork. everyday po ako nakikinig sa gospel for the day dito sa site nyo. pero since december wala na po ako nakikita na update. Sana po meron araw araw. Mas maganda po kasi pakinggan in tagalog. mas naiintindihan ko po.
Gusto ko po malaman nyo na napakaganda po ng awit (from PANALANGIN PARA SA YUMAO) very touching po. lagi ko po pinakikinggan.
I hope to hear from u soon.
God Bless Us
katherine
Salamat po dito..My lola died last week.. araw, tanghali, gabi, at madaling araw, I played this sa burol nya… ang pagdadasal lang para sa kaligtasan ng soul nya ang naging lakas ko para mabuhay pa.. laki po ng naitulong nito sakin
Salamat po dito..My lola died last week.. araw, tanghali, gabi, at madaling araw, I played this sa burol nya… ang pagdadasal lang para sa kaligtasan ng soul nya ang naging lakas ko para mabuhay pa.. laki po ng naitulong nito sakin
Magandang araw po! Gusto ko po sang matutuhan itong kanta na ito sa piano o sa gitara. meron po ba kayong sheet music para sa kantang ito? Salamat po 🙂
Good Day, Thank you for coming out with this prayer. This is comforting and a memorable service to the dead. God bless.
Peace be with you! Gud evening pob
Ako po si Eric from Tarlac Meyembro ako ng Neocatechuminal Way sa San Sebastian Cathedral Tarlac, nais ko po sanang magpatulong sa inyo na makahingi ng kopya Liturgy of Hours
na tagalog version nabasa ko po kasi itong sa inyo.Madalas po kasi naming gamit is english mas ok sana kung tagalog tulad ng sa inyo para mas malinaw para sa aking mga kasamahan.ito ay gagamitin namin sa aming group CONVIVENCE sa darating na february 25,2018. kung meron po,sana ay kung pweding mas maaga kung makuha ang kopya para mapraktis namin
Maraming Salamat Po!
God Bless!
Maraming salamat po sa Panalangin sa mga Yumao…o Panalangin sa Takipsilim …ngayon ko lang po narinig ang Awit na kinakanta pala …npakaganda pakinggan .Sa mga paraan ninyo lalong lumalawak at lumalalim ang pang unawa ng lahat ng Katoliko.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan Niya ang iyong kaluluwa.
Hari ng kaluwalhatian, dalangin nami’y pakinggan.
Diyos ko ang aki’y dalangin ako’y iyong tangkilikin.
Panginoon,ako`y dinggin, pagbigyan aking daing .
Pinupuri kita Diyos ko,dahil ako’y nilikha mo.
Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal.
Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa.
Blessings and greetings to you!
Ano po ang pamagat ng opening hymn? I would like to use the song at the 40th day of the death of the son of my friend.
Maraming Salamat Po!
Blessings to you po. Gusto ko pong matutuhan ang kanta .Can you share the lead
sheet music to the song Yahweh? I will sincerely appreciate it. The song is very comforting and will be a great hymn for the mass of the 40th day of the son’s death of my friend which will be held on July 21, 2018.
Maraming salamat po!
God bless you!
Pagibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.
Nasa Iyo Panginoon ang lahat ng papuri!
Magpakatatag ang tanang may tiwala sa Maykapal.
Panginoon bigyan mo kami ng buhay at muling pagkabuha.
AMEN.
Sa?amat sa prayer sa mga yumao god bless
Sa?amat sa prayer sa mga yumao god bless
Salamat sa Diyos, sa awa at panalangin syo ako humihimlay. Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong maykapal.amen