Panalangin Para Sa Yumao (Takipsilim)

Panalangin sa Takipsilim

mula sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon (Liturhiya ng mga Oras)
Office of the Dead | Panalangin para sa Patay

Download (PDF): Panalangin Para sa Yumao

O Diyos, halina at ako’y tulungan.
– O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay.

Papuri sa ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
– Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

AWIT

REFRAIN
Yahweh, alam kong Ika’y naririto.
Lagi na tuwina sa tabi ko.
Sa kapahamakan, inililigtas ako.
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.

Puso ko’y ‘Yong nasiyasat, batid Mo ang lahat-lahat.
Ang aking mga panlulumo at ang aking mga pagtayo.
Kamay ko’y lagi Mong tangan, kahit sa bingit ng kamatayan.
Yakap MO ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)

Pag-ibig Mo’y s’an tatakasan? Sa rurok ng langit ‘Ka’y nariyan.
Ikaw ang kaagapay saanman ako maglakbay.
Sa ningning man ng araw, hahantungan lagi ay Ikaw.
Yakap Mo ako sa ‘Yong bisig, kanlungan ko ang ‘Yong pag-ibig. (REFRAIN)

KODA
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo.

ANTIPONA 1: Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan niya ang iyong kaluluwa.

SALMO 121

(Tagapagtanggol ng kanyang bayan)

Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,
Saang manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Huwag sana akong bayaang mabuwal,
Handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,
Hindi natutulog at palaging gising!

Ang Diyos na Panginoon, siyang magbabantay,
Laging nasa piling, upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Sa mga panganib, ikaw’y ililigtas
Nitong Panginoong, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ikaw’y iingatan,
Di ka maaano kahit na kailan.

(Papuri sa Ama at…)

ANTIPONA 1: Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan niya ang iyong kaluluwa.

Pages: 1 2

{ 14 comments }

Kevin September 5, 2014 at 3:40 pm

Salamat po dito..My lola died last week.. araw, tanghali, gabi, at madaling araw, I played this sa burol nya… ang pagdadasal lang para sa kaligtasan ng soul nya ang naging lakas ko para mabuhay pa.. laki po ng naitulong nito sakin

Kevin September 5, 2014 at 3:40 pm

Salamat po dito..My lola died last week.. araw, tanghali, gabi, at madaling araw, I played this sa burol nya… ang pagdadasal lang para sa kaligtasan ng soul nya ang naging lakas ko para mabuhay pa.. laki po ng naitulong nito sakin

Lilian M.Saltore April 6, 2018 at 10:43 pm

Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. Babantayan Niya ang iyong kaluluwa.

Lilian M.Saltore April 11, 2018 at 10:54 pm

Hari ng kaluwalhatian, dalangin nami’y pakinggan.

Lilian M.Saltore June 13, 2018 at 10:42 pm

Diyos ko ang aki’y dalangin ako’y iyong tangkilikin.

Lilian M.Saltore June 18, 2018 at 12:21 am

Panginoon,ako`y dinggin, pagbigyan aking daing .

Lilian M.Saltore June 24, 2018 at 11:33 pm

Pinupuri kita Diyos ko,dahil ako’y nilikha mo.

Lilian M.Saltore July 15, 2018 at 11:47 pm

Pagibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Lilian M.Saltore February 4, 2019 at 10:34 pm

Magpakatatag ang tanang may tiwala sa Maykapal.

Lilian M.Saltore May 26, 2019 at 10:13 pm

Panginoon bigyan mo kami ng buhay at muling pagkabuha.

Lilian M.Saltore May 26, 2019 at 10:15 pm

AMEN.

Edward Ramirez May 29, 2019 at 5:20 pm

Sa?amat sa prayer sa mga yumao god bless

Edward Ramirez May 29, 2019 at 5:21 pm

Sa?amat sa prayer sa mga yumao god bless

Leni Cruz July 19, 2019 at 10:49 am

Salamat sa Diyos, sa awa at panalangin syo ako humihimlay. Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong maykapal.amen