Tagalog Catholic Resources
Tagalog Catechism • Tagalog Prayers

Mga Pagbasa – Huwebes, Marso 26, 2020

by Jeric on March 26, 2020 · 6 comments

in Tagalog Mass Readings

Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Exodo 32, 7-14
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Juan 5, 31-47

UNANG PAGBASA
Exodo 32, 7-14

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung gusto mo, lilipulin ko sila at iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita’y inialis ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong balak laban sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila’y pararamihin tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupaing ipinangako ninyo.” Hindi nga itinuloy ng Panginoon ang balak na paglipol sa mga Israelita.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Sa may Bundok ng Horeb, doon ay naghugis niyong gintong baka,
matapos mahugis ang ginawa nila’y kanilang sinamba.
Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,
sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas,
na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas.
Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala.
Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin pagdaka,
agad na dumulog sa Poon, si Moises namagitan siya,
at hindi natuloy yaong kapasiyahan na lipulin sila.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 3, 16

Pag-ibig sa sanlibutan
ng D’yos ay gayun na lamang,
kanyang Anak ibinigay
upang mabuhay kailanman
ang nananalig na tunay.

MABUTING BALITA
Juan 5, 31-47

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patoto ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo. Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin, ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
“Hindi ako naghahangad ng parangal ng mga tao. Ngunit kilala ko kayo; alam kong wala kayong pag-ibig sa Diyos. Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya’y inyong tatanggapin. Ang hinahangad ninyo’y parangal ng isa’t isa, at hindi ang parangal na nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayong makapaniniwala? Huwag ninyong isiping ako ang magsasakdal sa Ama laban sa inyo; si Moises na inaasahan ninyo ang siyang maghaharap ng sakdal laban sa inyo. Kung talagang pinaniniwalaan ninyo si Moises, ako’y paniniwalaan din sana ninyo, sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sulat niya, paano ninyong paniniwalaan ang mga sinasabi ko?”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Espirituwal na Pakikinabang (Act of Spiritual Communion Tagalog)
Oratio Imperata Laban Sa COVID-19
Panalangin ni Papa Francisco sa Mahal na Birhen laban sa COVID-19

Pages: 1 2

Previous post:

Next post:

{ 6 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno February 23, 2020 at 8:20 pm

ngayon ay Huwebes sa ikaapat na linggo sa panahon ng kuwaresma.
salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Reply

Barbara Silvia L. Manalo March 26, 2020 at 6:20 am

Panginoon at Diyos ko, pinasasalamatan ka namin ng lubos . Ikaw ang pinakamapangyarihan sa lahat,tulungan mo po kami na malampasan namin ang nangyayari sa mundong ito at matapos na po ito sa pamamagitan ng iyong awa. Amen

Reply

FRANCISCO AZUPARDO March 26, 2020 at 7:44 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Bal Adriano Jr. March 26, 2020 at 9:51 am

Good am po. Marami pong salamat sa magandang pagkabasa ng mga
salita ng Diyos sa araw na eto.Mabagal at wala pong mali. Liban lang po sa awit pambungad sa mabuting balita na hindi bi
nasa. Ty po. God bless us all

Reply

Dong March 26, 2020 at 10:56 pm

Pinupuri ka namin hesukristo nazareno salamat

Reply

PATRICK CU March 27, 2020 at 2:59 am

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: