Podcast: Download (Duration: 6:11 — 4.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Natuklasan ni Jonas na hindi maaaring takasan ang Panginoon. Tumawag tayo ngayon sa Diyos Ama upang hingin ang biyaya ng pagbabagumbuhay at matatag na pagtitiwala sa panawagan ni Kristo na magsisi sa kasalanan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama naming lahat, turuan mo kami ng tunay na pagsisisi.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging puspusan sa kanilang pangangaral ng mensahe ng Diyos tungkol sa pagsisisi sa kasalanan sa mga naghahanap sa Panginoon nang buong puso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang panahong ito nawa’y maging pagkakataon ng pagbabago at pagbabalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Tulad ng mga mamamayan ng Ninive nawa’y itakwil natin ang masasamang gawi at lumapit sa Diyos nang may kababaang-loob at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makadama ng kapanatagan at pagmamahal mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama namin, ibinigay mo ang simbolo ni Jonas bilang pahiwatig sa pagdating ng iyong anak. Kung paanong simula sa kawalang hanggan ay niloob mo ang kanyang Muling Pagkabuhay, isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Mga Pagbasa – Lunes, Pebrero 24, 2020
Mga Pagbasa – Huwebes, Marso 5, 2020 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Papuri sa Diyos.
Panginoon ko at Diyos ko .Salamat po sa inyo at Purihin ang Panginoong Hesuskristo. AMEN
Pinupuri ka namin Panginoong HesuKristo. Mapagpalang araw po sa ating lahat. God bless everyone!
AMEN
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
Pinupuri ka namin,Panginoong HesuKristo
Salamat sa Diyos!