Mga Pagbasa – Sabado, Disyembre 7, 2019

by Roxanne Pena on December 7, 2019 · 6 comments

in Tagalog Mass Readings

Paggunita kay San Ambrosio
Sabado sa Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 30, 19-21. 23-26
Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8

UNANG PAGBASA
Isaias 30, 19-21. 23-26

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos na Banal ng Israel: Mga taga-Jerusalem, hindi na kayo tatangis nang matagal! Kayo’y diringgin niya sa inyong pagdaing. Kung ipahintulot man ng Panginoon na kayo’y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong guro, ay hindi magtatago sa inyo. Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daraanan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Bibigyan niya kyo ng masaganang ulan para sa inyong mga tanim upang kayo’y mag-ani nang sagana. Ang inyong mga kawan ay magkasusumpong ng malawak na pastulan. Ang mga pang-araro ninyong mga baka at asno ay mananagana sa pinakamainam na pagkain ng hayop. Mula sa matataas ninyong mga bundok at burol, dadaloy ang batis, pagdating ng panahon ng kakila-kilabot na pagpuksa at pagkawasak ng mga muog. Magliliwanag ang buwan na animo’y araw, at ang araw nama’y magliliwanag ng pitong ibayo, parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama. Ito’y mangyayari sa araw na talian at pagalingin ng Panginoon ang sugat ng kanyang bayan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6

Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Purihin ang Panginoon!
O kay buti ng umawit at magpuro sa ating Diyos,
ang magpuri sa kanya’y tunay na nakalulugod.
Ang Lungsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik,
sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Yaong mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,
ang natamo nilang sugat, agad-agad tatapalan.
Alam niya’t natitiyak ang bilang ng mga tala,
isa-isang tinatawag, yaong ngalang itinakda.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Panginoong ating Diyos ay daila at malakas,
ang taglay n’yang karunugan, ay walang mkasusukat.
Yaong mapagkumbaba’y siya niyang itataas,
ngunit yaong mapaghambog sa lupa ay ibabagsak.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

ALELUYA
Isaias 33, 22

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, aming hukom,
Haring nag-uutos ngayon
kaligtasa’y ‘yong ihatol!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Sila’y pinagbilinan ni Hesus: “Hanapon ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 6 comments… read them below or add one }

Patrick Cu December 10, 2017 at 1:52 am

Salamat sa Diyos!

Reply

Mark Jefferson Magno December 1, 2019 at 3:18 pm

Ngayon po ay araw ng Sabado sa unang linggo ng pagdating ng Panginoon. Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.

Reply

jerry j.antipuesto December 6, 2019 at 10:04 am

salamat sa dios

Reply

PATRICK CU December 7, 2019 at 1:06 am

Salamat sa Diyos magpakailanman AMEN!

Reply

Francisco Azupardo December 7, 2019 at 7:16 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Mil December 7, 2019 at 7:26 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: