Mga Pagbasa – Huwebes, Nobyembre 14, 2019

by Roxanne Pena on November 14, 2019 · 9 comments

in Tagalog Mass Readings

Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Karunungan 7, 22 – 8, 1
Salmo 118, 89. 90. 91. 130. 135. 175

Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.

Lucas 17, 20-25

UNANG PAGBASA
Karunungan 7, 22 – 8, 1

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.
Iisa ang kanyang kalikasan ngunit napagkikilala sa maraming paraan.
Siya’y dalisay at walang katawang materyal, at malayang magparoo’t parito;
malinis, nagtitiwala at si maaaring mapinsala;
maibigin sa mabuti, matalas at si malulupig.
Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait,
matatag, tiyak, hindi nababalisa,
makapangyarihan at nakikita ang lahat ng bagay.
Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay.
Pagkat ang Karunungan ay mas maliksi kaysa damdamin,
at dahil sa kanyang kadalisayan, siya’y laganap sa lahat ng bagay.
Siya ay tilamsik ng kapangyarihan ng Diyos,
maningning na silahis ng kanyang kaluwalhatian.
Kaya walang marumi na makalalapit sa kanya.
Siya ay sinag ng walang hanggang liwanag,
salaming kinababakasan ng mga gawa at kabutihan ng Diyos.
Bagamat nag-iisa ang Karunungan, magagawa niya ang lahat ng bagay,
at bagaman siya’y hindi nagbabago, nababago niya ang lahat ng bagay.
Sa lahat ng salinlahi, siya’y lumalagay sa mga banal,
at ang mga ito’y ginagawa niyang mga propeta at mga kaibigan ng Diyos
nang higit pa sa mga taong nawiwili sa Karunungan.
Ang Karunungan ay mas maganda kaysa araw,
higit ang kagandahan kaysa mga bituin, at higit pa sa liwanag.
Sapagkat ang liwanag ay nahahalinhan ng dilim,
ngunit ang Karunungan ay si nalulupig ng masama kailanman.
Ang lakas niya’y abot sa lahat ng sulok ng daigdig.
At maayos na pinamamahalaan ang lahat ng bagay.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 89. 90. 91. 130. 135. 175

Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang salita mo, O poon, di kukupas, walang hanggan,
matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago,
ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,
alipin mo silang lahat at sa iyo’y naglilingkod.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay sunong ito sa wala pang karanasan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Upang ako ay magpuri, ako’y bigyan mo ng buhay,
matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Walang hanggan, Poong Diyos, Salita mong tumutubos.

ALELUYA
Juan 15, 5

Aleluya! Aleluya!
Ako’y puno, kayo’y sanga;
kapag ako ay kaisa,
kayo’y t’yak na namumunga.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, si Hesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw na Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Narini siya!’ Huwag kayong pumunta upang siya’y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 9 comments… read them below or add one }

Patrick Cu November 16, 2017 at 11:57 pm

Salamat sa Diyos

Reply

Mark Jefferson Magno November 9, 2019 at 9:17 pm

Ngayon po ay Huwebes sa ika-32 linggo ng karaniwang panahon.
Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.

Reply

Reynald Perez November 13, 2019 at 8:34 am

Pagninilay: Malapit nang matapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at sa darating ng 2 Linggo, ipagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng ating Kristong Hari. Kaya tinanong ng mga Pariseo kay Hesus sa Ebanghelyo ngayon kung kailan itatatag ang Kaharian ng Diyos. Ang naging tugon ng Panginoon ay walang nakakalam kahit ng palatandaan kung kailan darating ang oras na iyon. Ngunit sinabi rin niya na ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay alam na ng mga nananalig sa kanya. Kaya nga nang magsimula si Hesus na mangaral sa Galilea, sinabi niya na dumating na ang Kaharian ng Diyos upang sila’y magsisi mula sa kanilang pagkakasala at maniwala sa Mabuting Balita. Kaya bilang mga mananampalatayang Kristiyano, tayo’y inaanyahan ni Kristo na paghandaan ang pagpaparito ng Kaharian ng Diyos. Ang paghaharing ito ay nakilala natin sa ating pananampalataya sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos, pakikibahagi sa Katawan at Dugo ng kanyang Anak, at ang pakikipagkapwa sa ibang tao lalung-lalo ang mga nangangailangan. Huwag po tayong malinlang ng mga gustong makipagsabi na alam nila kung kailan tatapos ang mundo, kundi dapat may pananabik tayo na salubungin ang Panginoon sa bawat oras at yugto ng ating buhay ngayon at kailanman. Ipinapaalala sa atin ng Unang Pagbasa ay palagi nating sumpungan ang Karunungan ng Diyos na walang bahid ng karumihan at hindi materyal. Itong Karunungan ay maganda sapagkat ito ay may kakayahang ipagpaunawa sa tao ang kalooban ng Diyos. Kaya sa ating buhay, nawa’y palagi nating hanapin at gamitin bilang gabay sa paglalakbay sa pananampalataya habang nanabik tayo sa pag-asang bigay ng Kaharian ng Diyos Ama. At ang Karunungang iyon ay ang kanyang Anak na si Hesukristo.

Reply

Mil November 14, 2019 at 5:09 am

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

Reply

Aida November 14, 2019 at 5:34 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.

Reply

Mylene Farinas November 14, 2019 at 7:33 am

O God, grant us the wisdom that we need to live this life according to Thy will and greater glory. Amen.

Reply

Francisco Azupardo November 14, 2019 at 8:14 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Celine November 14, 2019 at 2:03 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO. ALLELUIA!

Reply

Rachel Dela Cruz November 14, 2019 at 11:34 pm

Pinupuri ka namin,Panginoong HesuKristo

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: