Mga Pagbasa – Linggo, Nobyembre 10, 2019

by Roxanne Pena on November 10, 2019 · 14 comments

in Tagalog Mass Readings

Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

2 Macabeo 7, 1-2. 9-14
Salmo 16, 1. 5-6. 8b at 15

Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya.

2 Tesalonica 2, 16 – 3, 5
Lucas 20, 27-38

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 7, 1-2. 9-14

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng Macabeo
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Sila’y pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Diyos. Isa sa mga anak ang nangahas tumayo at nagsalita, “Ano ba ang inyong ibig mangyai sa pagpapahirap sa amin? Matamis pa sa amin ang mamatay kaysa lumabag sa mga kautusan ng aming ninuno!”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Bago namatay, sinabi ng ikalawang anak nang malakas sa hari, “Kasumpa-sumpang halimaw! Maaari mong kunin ang buhay namin dito sa lupa, ngunit bubuhayin kaming muli ng Hari ng buong daigdig upang hindi na muling mamatay, sapagkat sinusunod namin ang kanyang mga utos.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ganoon ding parusa ang sinapit ng ikatlong anak. Noong siya’y utusang ilawit ang kanyang dila, ginawa niya ito agad at walang atubiling iniabot ang kanyang mga kamay. Ganito ang sinabi niya, “Tinanggap ko ang mga kamay na ito buhat sa langit. Subalit mas mahalaga para sa akin ang mga utos ng Diyos, at umaasa akong ibabalik niya ang mga kamay ko.” Pati ang hari at mga tauhan niya’y humanga sa ipinakita niyang tapang ng loob at sa pagiging handa sa pagtanggap ng pagpaparusa nila.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Namatay rin ang ikatlong kapatid na ito. Isinunod namang parusahan ang ikaapat sa ganito ring malupit na pamamaraan. Nang mamamatay na, sinabi nito, “Ako’y maligayang mamamatay sa kamay ninyo sapagkat alam kong ako’y muling bubuhayin ng Diyos. Ngunit ikaw, Antioco, ay walang pag-asang mabubuhay uli.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 16, 1. 5-6. 8b at 15

Tugon: Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Dinggin mo po, Panginoon, ang tapat kong panawagan,
Poon, ako ay dinggin mo, sa daing ko na tulungan;
Sapagkat ako’y taong tapat, di nandaya kailanman,
kaya ako’y sumasamong dalangin ko ay pakinggan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Palagi kong sinusundan ang landas mong itinakda,
hindi ako lumilihis sa kanan man o kaliwa.
Ang daing ko, Panginoon, ay lagi mong dinirinig,
kaya ako’y dumudulog at sa iyo humihibik.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ‘yong pag-iingat,
gayon ako ingatan mo sa ililim ng iyong pakpak.
Yamang ako ay matuwid, ang mukha mo’y mamamalas
kapag ako ay nagising, sa piling mo’y magagalak.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Paggising ko, Poong sinta, sa piling mo’y magsasaya.

IKALAWANG PAGBASA
2 Tesalonica 2, 16 – 3, 5

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Mga kapatid, aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Sa wakas, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap sa lahat ng dako at dakilain ng lahat tulad ng ginawa ninyo. Idalangin din ninyo na maligtas kami sa mga buktot at masasamang tao sapagkat hindi lahat ay naniniwala sa salita ng Diyos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tapat ang Panginoon. Bibigyan niya kayo ng lakas at ililigtas sa Diyablo. Dahil sa Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na ginagawa ninyo at patuloy na gagawin ang mga sinabi namin sa inyo. Akayin nawa kayo ng Panginoon tungo sa pag-ibig sa Diyos at sa pananatili kay Kristo.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Pahayag 1, 5a. 6b

Aleluya! Aleluya!
Sa yumao’y s’yang panganay
si Hesus na Poong mahal
na dapat nating idangal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 20, 27-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila, “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay spaagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGNINILAY

Katatapos lamang ng Undas. Para sa ating Katolikong Pilipino, panahon ito kung kailan inaalaala at binibigyang pansin at oras ang mga taong malapit sa ating puso na nangamatay na. Kaakibat ng mga gawaing ito ang pag-iisip tungkol sa kabilang buhay—na sila ay nasa isang tahimik at masayang kalagayan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ipinapaalaala sa atin ng Panginoon sa Mabuting Balita ngayon ang buhay na walang hanggang—ang susunod na buhay na parang buhay ng anghel. Ito ay isang imahe ng kagandahan at kasayahan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Hindi na natin kailangan isipin ang mga pasanin ng pamumuhay sa lupa. Hindi na natin mararanasan ang gutom, pagka-uhaw, kirot o hapdi, karamdaman o kamatayan. Pawang walang hanggan ang kaligayahan sa langit.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Para sa ating nananampalataya kay Jesus, ang kamatayan ay daan tungo sa kaganapan ng buhay na walang hanggan.

(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Previous post:

Next post:

{ 14 comments… read them below or add one }

jen November 6, 2016 at 11:54 pm

Amen to the Lord Almighty

Reply

Nona November 10, 2019 at 3:44 am

Maraming salamat po at sinamahan ninyo ng pagninilay ang gospel ngayon. Sana po pati ang gospel sa araw araw ay magkaroon din ng pagninilay. God bless us.

Reply

Mark Jefferson Magno November 3, 2019 at 7:31 am

Tayo po ay nasa ika-32 linggo ng karaniwang panahon.
Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Nawa’y pagpalain po tayo ng Panginoong Maykapal sa buong linggong ito.

Reply

Reynald Perez November 5, 2019 at 12:07 am

Pagninilay: Ang buong buwan ng Nobyembre ay inaalay para sa mga Yumaong Kristiyano, kasama na dito ang lahat ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. Noong una at ika-2 ng buwang ito, inalala natin sila sa ating mga panalangin, ipinagmisa, at binista ang kanilang mga puntod dala ang mga kandila at bulaklak. Patuloy nating sila ginugunita sa buong Nobyembre dahil sa Panginoon na buhay. Ibig sabihin na may pag-asa pang naghihintay para sa atin matapos tayong papanaw sa mundong ito. At ito’y pinatototoo ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo bilang pahayag na mayroon ngang “muling pagkabuhay,” na ito naman ay hindi pinaniniwalaan ng mga Saduceo. Kaya nagbanggit sila ng isang sitwasyon kung saan 7 magkapatid na lalaki ay nagpakasal sa iisang babae matapos mamatay ang isa, ngunit hindi nagkaanak. Kaya pagdatng ng “pagkabuhay na mag-uli”, kanino raw sa 7 magkapatid ang kikilaning asawa. Tugon ni Hesus na hindi kailanma’y sila’y kasal habambuhay kapag nasa kabilang buhay na. Kaya ang pagsasama ng babae at lalaki bilang mag-asawa ay hanggang sa mundo nito lamang. Subalit sa kabilang buhay, lahat ng tao ay magiging pantay na tatawaging anak ng Kataas-taasang Diyos. Ito’y patunay na mayroon talagang pag-asang naghihintay sa pamamagitan ng biyaya ng buhay na walang hanggan. At ito’y patotoo na ang Panginoon ay Diyos ng buhay, hindi ng patay, sapagkat ang lahat sa kanya ay tunay na buhay. Kaya nga n’ung si Hesus ay namatay sa Krus at inilibing, siya’y nabuhay na mag-uli upang ipamalas sa atin na wala nang kamandag ang kamatayan na manatiling tapos ang ating buhay. Kaya huwag po tayong matakot sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay papanaw sa daigdig na ito. Subalit lahat tayo ay muling mabubuhay at kakamtan ang kaligayan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Kaya nawa maging makabuluhan ang ating buhay dito sa lupa upang patuloy natin ang pagpapalaganap ng Paghahari ng Panginoon na nasa Langit.

Reply

Maribel Giner November 9, 2019 at 9:59 pm

Maraming salamat po sa pag explain ng Gospel reading on November 10. I’ve been looking for explanations po kasi I need it in my catechesis.

God bless you po.

Belle

Reply

Arlin D. Mamales November 10, 2019 at 1:01 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

Reply

Mil November 10, 2019 at 8:48 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Reply

Ryan Casumpang November 9, 2019 at 9:48 am

May the Good Lord bless you and keep you.

Reply

Bobby Javier November 10, 2019 at 5:03 am

Salamat panginoon saiyong banal na pangalan at mga salita, na siyanamin gabay at patnubay,, sa amin pang araw-araw na buhay,,,,, In Jesus Name ,,, AMEN,,,

Reply

Liberty C.Baligod November 10, 2019 at 7:41 am

Pinupuri ka namin, Panginoong HesuKristo!

Reply

Sally Bernardino November 10, 2019 at 8:42 am

Praise To You Lord Jesus Christ!

Reply

Francisco Azupardo November 10, 2019 at 11:57 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Edward Ramirez November 10, 2019 at 12:35 pm

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo

Reply

Celine November 10, 2019 at 4:29 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO. ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: