Mga Pagbasa – Miyerkules, Oktubre 30, 2019

by Jeric on October 30, 2019 · 9 comments

in Tagalog Mass Readings

Miyerkules ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Roma 8, 26-30
Salmo 12, 4-5. 6

Lubos akong nananalig sa matapat mong pag-ibig.

Lucas 13, 22-30

UNANG PAGBASA
Roma 8, 26-30

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Mga kapatid, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng taom ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 12, 4-5. 6

Tugon: Lubos akong nananalig sa matapat mong pag-ibig.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tunghayan mo at tugunin, O Poon na aking Diyos,
ibalik mo ang lakas ko’t nang hininga’y di malagot;
ang palalong kaaway ko’y huwag bayaan na maghambog
at malugod na sabihing: “Nagapi ko siyang lubos.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Lubos akong nananalig sa matapat mong pag-ibig.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Lubos akong nananalig sa pag-ibig mong matapat,
nagagalak ang puso ko dahil sa ‘yong pagliligtas;
aawitin kita, Poon, aawitang buong galak,
dahilan sa kabutihang sa akin ay iginawad.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Lubos akong nananalig sa matapat mong pag-ibig.

ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 22-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 9 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno October 27, 2019 at 3:13 pm

Ngayon ay araw ng Miyerkules sa ika-30 linggo ng karaniwang panahon.
Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.

Reply

Aida October 30, 2019 at 6:24 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.

Reply

Reynald Perez October 27, 2019 at 11:11 pm

Pagninilay: Ang kaloob ng kaligtasan ay inihanda ng Diyos para sa mga taong nakahandang tanggapin ito. Kaya ang hantungan nitong kaligtasan ay buhay na walang hanggan sa kalangitan. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 13:22-30), si Hesus ay itinanong kung kakaunti lang ang maililigtas. Ang tugon niya ay isang paanyaya na pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat maraming nag-iisip na makakapasok sila, ngunit hindi sila’y makapasok diyan. Sa maraming pagkakataon, inaakala ng marami na awtomatik lamang ang buhay. Maraming gustong mawalan ang mga pagdurusa at paghihirap upang mas maging maginhawa ang pamumuhay. Siguro araw-araw tayo’y napapagod matapos ang isang araw ng pagtratrabaho, pag-aaral, at iba pang gawain. Ngunit tayo’y inaanyahan ni Hesus na pumasok sa makipot na pinto, at siya ang pintong ito na Daan patungo sa Diyos Ama. Kung tatanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay nang may pananampalataya, tayo rin ay tumulad sa kanya sa pagsunod sa kalooban ng Ama kahit sa mga pagdurusa at paghihirap sa buhay. Hindi naman ninanais ng Diyos na tayo’y pahirapan, sapagkat natural na pangyayari ang mga ganitong pagdurusa. Subalit ang dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya na patuloy tayong tutupad sa misyong itinakda sa atin sa pagpaparangal ng Mabuting Balita. At kung mayroon tayong matatag na relasyon sa Panginoon ay ganun rin sa ating kapwa. Sa ating Unang Pagbasa (Roma 8:26-30), ipinapahayag ni San Pablo ang papel ng Espiritu Santo sa ating buhay. Ang Espiritu ang nagsisilbing lakas sa mga panahong mahina tayo hindi lang sa pisikal na paraan, kundi pati na rin sa ating pananampalataya sa Diyos. Kaya ang Espiritu mismo ang tumutulong sa atin na manalangin sa Panginoon dahil tayo ay binigyang karapatan na tawagin ang Diyos bilang ating “Ama”. Nawa tayo’y makamtan ng kaligtasang inilaan sa atin ng Diyos sa pagsunod sa kanyang dakilang kalooban at pagiging matapat sa kanya sa kabila ng ating mga paghihirap sa buhay. At nawa’y patuloy nating pailaliman ang ating relasyon sa kanya at sa kapwa-tao.

Reply

Arlin D. Mamales October 30, 2019 at 3:49 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

Reply

Edward Ramirez October 30, 2019 at 5:55 am

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo

Reply

Francisco Azupardo October 30, 2019 at 10:31 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Celine October 30, 2019 at 3:19 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO. ALLELUIA!

Reply

PATRICK CU October 30, 2019 at 7:18 pm

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Rachel Dela Cruz October 31, 2019 at 1:45 am

Pinupuri ka namin,Panginoong HesuKristo

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: