Mga Pagbasa – Huwebes, Abril 11, 2019

by Roxanne Pena on April 11, 2019 · 14 comments

in Tagalog Mass Readings

Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Genesis 17, 3-9
Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9

Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman.

Juan 8, 51-59

UNANG PAGBASA
Genesis 17, 3-9

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos, “Ito ang ating tipan: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa. Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ginagawa kitang ama ng maraming bansa. Pararamihin ko ang iyong mga inapo at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.

“Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi, at ako’y magiging Diyos ninyo habang panahon. Ibibigay ko sa inyo ang lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon. Magiging inyo na ang buong lupain ng Canaan habang panahon, at ako ang magiging Diyos ninyo.

“Kayo naman ay dapat maging tapat sa ating tipan, ikaw at ang iyong lahi,” sabi pa ng Diyos kay Abraham.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9

Tugon: Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman.

Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
Siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
Ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.

Tugon: Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Tugon: Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman.

Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.

Tugon: Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Juan 8, 51-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Tandaan niyo: ang namumuhay ayon sa aking aral, kailanma’y di makararanas ng kamatayan.” Sinabi ng mga Judio, “Ngayo’y natitiyak naming inaalihan ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham at ang mga propeta, pero sinasabi mong hindi mamamatay kahit kailan ang sinumang namumuhay ayon sa iyong aral.

Dakila ka pa ba kaysa aming amang si Abraham? Siya’y namatay, gayun din ang mga propeta. Ano ba ang akala mo sa sarili mo?” Sumagot si Hesus, “Kung ako ang nagpaparangal sa aking sarili, iya’y walang kabuluhan. Ang aking Ama ang nagpaparangal sa akin at sinasabi ninyong siya ang inyong Diyos. Hindi ninyo siya nakikilala, ngunit siya’y nakikilala ko. Kung sabihin kong hindi ko siya nakikilala, ako’y magiging sinungaling na tulad ninyo. Subalit nakikilala ko siya at ginagawa ko ang kanyang sinasabi. Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya’y nagalak.” Dahil dito’y sinabi sa kanya ng mga Judio, “Wala ka pang limampung tao, at nakita mo na si Abraham?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: nago ipinanganak si Abraham, ‘Ako’y Ako Na.’.” Dumampot sila ng bato upang siya’y batuhin, ngunit nagtago si Hesus at lumabas ng templo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 14 comments… read them below or add one }

Patrick Cu April 7, 2017 at 1:58 am

Praise be to you Lord Jesus Christ. Glory to you and Almighty God in the highest.

Reply

Maritess B. Cervantes April 11, 2017 at 10:26 am

kulang po un
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

Reply

Mark Jefferson Magno March 31, 2019 at 7:58 pm

Ngayon ay Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda.

Reply

Reynald Perez April 8, 2019 at 12:11 pm

Pagninilay: Malapit na po tayong pumasok sa mga Mahal na Araw, at gugunitain natin ang Misteryo ng ating Pagtubos mula sa ating mga pagkakasala. Ang Unang Pagbasa ay ang salaysay ng tipang ipinagkasundo ng Panginoong Diyos kay Abraham. Mula Abram, pinalitan ni Yahweh sa pangalang “Abraham” dahil ang patriarkang ito ay magiging “ama ng maraming bansa”. Ipinangako ng Diyos na ang mga lahi ni Abraham ay magiging kasingbilang ng mga bituin sa kalangitan at ang mga buhangin sa dalampasigan. At makikita natin mula sa lahi ng patriarka ay nagmula ang ating Panginoong Hesukristo. Kaya ito ang pinagtibay ni Hesus sa Ebanghelyo na higit pa siya kay Abraham sapagkat siya ang Anak ng Kataas-taasang Diyos. Hindi ito pinaniwalaan ng mga Hudyo sapagkat binintang nila kay Hesus na nilalapastangan ang isa sa mga dakilang patriarkang pinili ng Diyos. Kaya direktang ipinahayag ng Panginoon ang kagalakan ni Abraham nang makita nito ang kanyang pagdating. At kahit anupamang paliwanag ni Hesus ay tinangka siyang batuhin, ngunit siya’y nakasingit at nakatakas. Mapapansin natin na ang mga imahe at krusipiyo ngayon ay tinatakpan ng lilang tela dahil sa pahayag na ito ng ating Ebanghelyo. Si Hesus ay nagtago hindi dahil siya’y natatakot, kundi hindi pa dumating yaong oras ng kanyang Misteryong Paskwal. Kaya nakatakip din ang kaluwalhatian ng Diyos upang ating matunghayan iyon sa Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay. Sabi nga: “If the glory of the Master is hidden, then his servants too should be hidden.” Nawa’y patuloy nating kilalanin ang DIyos sa ating buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ng kanyang Anak na si Hesukristo na ating Panginoon.

Reply

PATRICK CU April 11, 2019 at 1:33 am

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Melba G. De Asis April 11, 2019 at 5:23 am

May ipinababatid noon sa mga hudyo ang Panginoong Hesukristo pero ayaw siyang paniwalaan ng mga ito. Sinasabi Niya na Siya ang isinugo ng Diyos Ama at sinasabi Niya na magiging tapat Siya sa kanyng pangako na ang lahat ng sumusunod at mananalig sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Panginoon nawa’y maging karapatdapat ako Saiyong pangako. Amen

Reply

Aida Ramirez April 11, 2019 at 7:04 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.

Reply

Liberty C. Baligod April 11, 2019 at 7:31 am

Praise to you, Lord, Jesus Christ.

Nawa, Panginoon, tulungan mo ako na makamtan ang iyong pangako ang buhay na walang hanggan. Amen.

Reply

Edward Ramirez April 11, 2019 at 7:45 am

pinupuri ka namin panginoong hesukristo a

Reply

Edward Ramirez April 11, 2019 at 7:49 am

P8nupuri ka namin panginoong hesukristo

Reply

Kulot April 11, 2019 at 8:42 am

Pinupuri ka namin pamnginoong hesukristo

Reply

Maria Maglie Tenedero April 11, 2019 at 8:49 am

Pinupuri ka namin Panginoong
Hesukristo.

Reply

celine April 11, 2019 at 1:05 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA!

Reply

Francisco R. Azupardo April 11, 2019 at 8:33 pm

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: