Mga Pagbasa – Martes, Marso 12, 2019

by Roxanne Pena on March 12, 2019 · 16 comments

in Tagalog Mass Readings

Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 55, 10-11
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19

Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Mateo 6, 7-15

UNANG PAGBASA
Isaias 55, 10-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinasabi ng Panginoon:
“Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Kadakilaan ng Diyos ay ihayag
ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig.
Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal

MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng iyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya.

Ganito kayo mananalangin:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng iyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 16 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno March 8, 2019 at 7:26 pm

Ito ang Martes sa Unang Linggo sa Panahon ng Kuwaresma. Nawa po ay pagpalain tayo ng Poong Maykapal sa araw na ito.

Reply

Reynald Perez March 11, 2019 at 11:38 am

Pagninilay: Isang gawain na ipinapaalala sa atin ngayong Kuwaresma ay ang Panalangin. Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin. At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication. Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit. Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ayon kay Propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay katulad ng pagkakaroon ng mga kasaganaan ng iba’t ibang panahon sa ating klima. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.

Reply

Lilian M.Saltore March 11, 2019 at 11:06 pm

Pinupuri ka namin Panginoong Hesu -Kristo

Reply

Lilian M.Saltore March 11, 2019 at 11:09 pm

Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo

Reply

PATRICK CU March 12, 2019 at 1:06 am

Salamat sa Diyos! AMEN!!

Reply

Josephine Mauro March 12, 2019 at 4:22 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo. Amen

Reply

Arlin D. Mamales March 12, 2019 at 5:04 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

Reply

Melba G. De Asis March 12, 2019 at 5:35 am

Ang Ama Nam8n ang panalangin na itinuro sa atin ng Psnginoon, at alam ng Diyos ang ating pangangailangan bago pa msn tayo manalangin.

Reply

Aida Ramirez March 12, 2019 at 6:02 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.

Reply

Kulot March 12, 2019 at 10:46 am

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo

Reply

Celine March 12, 2019 at 3:09 pm

AMEN PINUPURI KA MANIN PANGINOON JESUS KRISTO
ALELLUIA!.

Reply

Maria Lourdes March 12, 2019 at 8:07 pm

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Reply

Francisco R. Azupardo March 12, 2019 at 8:13 pm

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Dolly Sun March 12, 2019 at 10:23 pm

Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo!

Reply

Jerry March 12, 2019 at 11:01 pm

Pinupuri ka namin Panginoong HesuCristo. Amen

Reply

Jerry March 12, 2019 at 11:02 pm

Pinupuri ka namin Panginoong HesuCristo. Amen
Salamat sa Diyos

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: